Pundido

Last night lang ito nangyari.

Yesterday afternoon, our youth group decided to clean the hall of the old school building (na hindi na ginagamit ngayon, at lumipat na rin ng ibang location yung school so it serves as venue na lang for Church activities/meetings) beside our parish. May activity kasi kami tomorrow and wala kaming time to clean today.

Busy kami maglinis dahil sobrang kapal na ng alikabok sa hall at anlaki laki ng hall (it can accommodate 200++ persons). Then it started raining na may kasama pang kulog at kidlat. This hall and this old school has reputation na maraming nagpapakita and I personally experienced around 4 sightings and some unexplained noises sa school na 'to. It was almost 8 that time when we finished cleaning so habang nagliligpit yung mga kasamahan namin umupo muna ako sa hagdan sa gitna ng stage at nakipagkwentuhan sa friend ko about sa mga experiences ko sa school na yun at specifically sa hall na yun. Habang nagkwekwentuhan bigla namang namatay ang ilaw a second or two nagulat kami pero hindi naman big deal kasi umuulan iniisip naming natural lang yun.

Nung naayos na ang lahat nagpreprepare na kami umuwi kailangan iswitch off lahat ng ilaw sa hall.. Bawat columns may 2 switch.. sa huling huling switch pagkatapos ko siya pindotin at namatay naman ang ilaw. nakakailang hakbang na ko palapit sa labasan ng hall biglang nagreact yung isa sa kasama ko "hala!" paglingon ko bukas ulit yung ilaw na huling pinatay ko, eh di dedma na lang balik ulit ako sa loob ng hall para iswitch off.. Syempre yung mejo kakaiba na dahil hindi na yun dahil sa fluctuation or something..

Shocked kami lahat pero balewala na lang biruan na lang dahil stranded kami sa lumang(dating) school na yun dahil sa lakas ng ulan at kung matatakot kami eh mahirap na.

Paglabas ng hall andun pala si manong guard at nagrarounds. (Dumaan na siya earlier bandang 6pm) mukha namang mabait at nakangiti. Sabi ko "kuya nakita mo yun?" (yung pagbukas ulit ng ilaw) ngumiti lang siya. Biniro namin siya "hala ka kuya ikaw lang lagi mag-isa dito". Nagulat kami sa isinagot niya. "Alam niyo ba kanina pagdaan ko nung naglilinis kayo may kasama kayong bata, nakatingin lang sa inyo." **creepy** Pero syempre sabi ko sa kanya "eh bakit hindi ko nakita" [tsk my 'ability' failed me again pero ok na rin kung nakita ko eh baka hindi na namin natapos ang paglilinis]

Ayon nagkakwentuhan na and sa way ng mga pagkwekwento niya alam kong hindi siya nagjojoke lang sa mga nakikita niya (dahil kaya ko iconfirm yun). Habang nagkwekwentuhan namatay naman yung 'spotlight' dun sa pinakadulong part ng school na malayo layo na mula sa amin. Sabi ni manong guard "ano ba yan kabubukas ko lang nun eh" sabi ng youngest sister ko "hay naku kuya pundidio lang yan" tapos kwentuhan ulit after around 15mins bumukas ulit yung ilaw "sabi sa'yo kuya pundido lang" sabi ulit ng sis ko.. sumagot yung bro. ko "kung pundido yan eh si sana kumisap kisap muna kanina" (may point naman) at bakit naman sa oras pa yun niya napiling mapundido di ba?

Isa pa na naisip ko kung pano ko nalaman na totoo yung mga kwento ni manong guard is yung statement niya na "madami pa namang lumalabas pag ganito ang panahon, pag umuulan" I know based on experience na totoo yun at alam din yun ng ba pang kakilala ko na may 'ability' makakakita.. Siguro yung iba sa inyo mag-aagree din sa akin, di ba?

 

0 comments:

Post a Comment







 

Gusto mo ng PINOY JOKES at mga swabeng PAMATAY NA BANAT at FUNNY PICTURES??Banat at Funny Pictures