May kwento ako about knocking incident. Pero napapaisip pa rin ako hanggang ngayon kasi nung time na nangyari yun buhay pa naman ang lola ko (may nirentahan kaming bahay para dun siya tumira kasama ang kapatid niya at isa sa mga tito ko) pero bigla ko naisip na siya yun at nakikinita ko nang nagpapaalam siya sa amin.

Magkatabi kami ng mom ko matulog nun. Sa isang kwarto lang kami natutulog ng mom ko at ng mga kapatid ko. Sa lapag kami nakahiga ng mom ko, may foam lang kami na nilalatag. Ang ulunan namin ay nasa pintuan sa loob ng bahay (papasok galing sa hagdan sa loob ng bahay) ang paanan namin ay nasa pintuan palabas ng balcony.

Umaga na nun siguro between 5am-6:30am. Bigla na lang ako nagising dahil sa malalakas na katok(yung katok na malalakas at mabilis na parang nagmamadali na papasukin ang kumakatok) na galing sa pintuan sa paanan namin. Naalimpungatan ako at dahil hindi pa malinaw ang pag-iisip ko tatayo na sana ako para buksan ang pinto. Nagising din pala ang mom ko. At napansin niya na patayo na ako. Sabi niya "san ka pupunta?" "bubuksan yung pinto" "bakit mo bubuksan? eh terrace natin yan..."(meaning sino naman ang nasa labas/terrace na nasa second floor walang ibang dadaanan para makapunta dun kundi sa kwarto namin.) Dun ko narealize na 'ou nga no bakit ko bubuksan' antok na antok pa ako nun kaya paghiga ko nakatulog na ulit ako.

Nabanggit na lang ulit yun nung kumakain kami ng almusal lahat. Hindi na lang pinag-usapan o pinag-isipan kung ano o sino ba yung kumatok na yun.

Pero makalipas ang lang araw naisip ko na lang na baka si lola yun. Na sa panahon na yun ay buhay pa. Sa loob loob ko malapit na mamatay si lola.(hindi ko alam bakit ganun ang naiisip ko baka isipin niyo ansama ko naman dahil dun pero yun talaga ang nararamdaman ko nung mga panahon na yun; pero hindi ko sinasabi sa mom ko yun at baka mabulyawan ako) At hinihintay ko na lang na one day ay may magbalita sa akin na wala na siya.

After two weeks or less namatay nga ang lola ko.


After that isang beses pa nangyari na may kumakatok o gumagalaw sa pintuan namin after mamatay ni lola. Minsan naman na tamad na tamad ako at nagbabagal ng pagkilos para makapagsimba may nagyanig sa pintuan namin. Yung tipong hinahatak at tinutulak para mabuksan kahit nakakandado ang knob. Naramdaman ko na agad at naamoy si lola nun. Naisip ko ayaw nya ako ma-late sa pagsisimba. Sabi ko na lang aloud "ou na po ito na nagmamadali na" tapos yun anwala na yung pagyanig.

Pwede nga kayang si lola yung dumalaw sa amin nun kahit buhay pa siya. Nakapag astral projection kaya siya dahil gusto niya kaming dalawin bago man lang siya mawala?

 

0 comments:

Post a Comment







 

Gusto mo ng PINOY JOKES at mga swabeng PAMATAY NA BANAT at FUNNY PICTURES??Banat at Funny Pictures