The Whisperer

credits to: Pinoy Horror Stories (PHS) Blog


Si Joshua ay isang columnist sa isang weekly news magazine. Forte niya ang mga kwento tungkol sa pulitiko at mundo ng pulitika. Pero all of a sudden, nagbago ang lahat ng mag expand ang pinagtatrabahuhan niyang weekly news magazine. Mas nangailangan ng mga crime writers ang news magazine at inilipat siya sa pagsusulat ng mga kwento tungkol dito.

Alas dose na nang gabi, abala pa rin si Joshua sa pag gawa niya ng kanyang kwento. Ito ay tungkol sa isang mayamang babae na namatay dahil sa sunog sa kanyang mansion sa Taguig.
Ang article na ginagawa niya ay isa-submit niya sa Sabado nang gabi, at biyernes na kaya todo overnight siya. Nagkataon pang nasira ang kanyang laptop kaya kailangan niyang gawin ang article na iyon sa opisina.

Nag iisa nalang siya ng gabing iyon sa opisina. Maya maya pa ay tumunog ang elevator. Parang nagbukas ito at may dumating. Joshua wondered who could be the one who came in the office in that late time. As far as Joshua is concerned, everyone don’t do their jobs overnight in the office because most of them usually had a laptop, including him but he’s laptop is just not fine.

Tumayo si Joshua sa kanyang desk. Madilim na ang office at tanging ilang ilaw nalang sa may hallway at ang ilaw sa kanyang desk ang nagbibigay liwanag sa office.
Joshua went towards the elevator to see who just arrived in their office which is located in the 10th floor of the 17 storey building.

Pagdating niya sa elevator, wala namang dumating. And no one also seemed to arrived. Sa isip niya, baka may nagkamali lang ng bukas sa elevator ngunit ibang floor naman talaga ang pupuntahan.

Bago bumalik sa kanyang desk, naisipan niyang magkape muna sa break room. Kaya pumunta siya sa break room.

Habang binabantayan ang coffee machine na matapos sa paggawa ng kanyang kape, may narinig siya.
“Psssssssssssssssssst…” isang napakalamig na tinig na umecho pa sa kanyang tenga. Agad nilingon ni Joshua kung san nanggagaling ang tinig na yon. Wala naman siyang nakita. Kaya ibinalik niya ang kanyang atensyon sa coffee machine.

“Psssssssssssssssssst…” narinig nanaman niya ang tinig. Sa pagkakataong ito, nangilabot na siya. The goosebumps in his skin are now very visible.

Later on, narinig nanaman niya ang mga sutsot. Palapit ng palapit ang sutsot sa kanyang tenga pero hindi niya na ito nilingon sa takot na baka may makita nanaman siya.

“Pssssssssssssssssst…” ang tinig ay parang nasa tenga niya na, bumubulong. Nanlaki ang mata ni Joshua sa kaba. Tumibok ang puso niya ng napakalas. He felt the adrenalin moving to his veins because of nervous. Once again, he tried to glance at who’s making the annoying sounds.

“*sigh.. What a relief.” Saad ni Joshua ng wala siyang nakita. Ipinagpalagay niya na guni guni lang iyon at sanhi lang ng pagod sa pag o-overnight. Pagkatapos niya makuha ang kape, bumalik na siya sa kanyang desk at ipinagpatuloy ang pag tataype sa kanyang article.

Maya maya pa, sa kanyang harap parang may dumaang naka-office attire. Ngunit dahil sa nakatutok ang kanyang mga mata sa monitor ng computer, hindi niya masyadong nakita ang pigura. Nang napansin niya yun, agad niyang nilingon, pero sa muli, wala siyang nakita.

“Nako, nako.. Bat pa kasi ako inilipat sa ganitong mga kwento, nangingilabot ako sa violence ng krimeng ito.” Sabi ni Joshua sa kanyang isip. “I miss writing about politics. And dami ko pa namang gustong sabihin tungkol sa newly elected president. Hmp. Kainis.”

Awhile later, a very cold and light wind touched his back. Ang mga balahibo niya sa batok ay nagsitayuan sa napalamig ngunit napagaan na ihip ng hangin. He wondered, san naman kaya manggagaling ang hanging iyon knowing that the office is air conditioned and no window is opened especially during that times.
After at least 2 hours, Joshua is done doing the article of the lady dead because of a blaze. He shut his computer off, got his bag, and went towards the elevator.

Nang nasa elevator na siya at pinindot ang down, agad naman itong bumukas. Sa loob, may isang babaeng naka office attire na itim. Nakatalikod at naka yuko. Ang buhok nito ay medyo mahaba.
“Miss, is it going down?” tanong ni Joshua sa babae.

Hindi umimik ang babae, kaya pumasok nalang si Joshua. Walang na press na floor sa pindutan. Pinindot ni Joshua ang “L” or lobby.

“Tut..tut..tut..” tumunog ang elevator at sumenyas sa maliit nitong screen na overload.

“Overload? Dalawa lang naman tayo…” hindi na natapos ni Joshua ang kanyang pagsasalita nung lumingon siya sa babae at malamang wala na ito doon.

Kinabahan nanaman si Joshua sa pagkawala ng babae sa elevator. Sinubukan niyang lumabas pero nagsara na ang elevator at nagsimulang umandar.

(Ring, Ring), tumunog ang kanyang cellphone.

“Hello?” Joshua picked the phone up. The phone call came from his bestfriend na girl, Jessica.

“Hi Josh. Musta ang trabaho?” tanong ni Jessica.

“Okay lang. Kaso Kakapagod nga yung article na ginawa ko eh.”

“Ganun ba? So nasa office ka pa nga.. Sabi na nga ba eh. May kasama ka ba diyan?”

“Wala. Ako lang mag isa. Nasa elevator na ako at uuwi na ako.”

“Talaga? Wala kang kasama? Baka naman di mo lang nakikita..” Pagbibiro ni Jessica na iniba pa ang kanyang tinig na parang pang multo. Alam kasi niyang takot na takot ang kanyang bestfriend sa mga multo.

“Jess, you’re not funny ha. Stop it, I beg you.”

“Hahaha. Hindi ka pa rin nagbabago Josh. Duwag ka pa rin.”

“Whatever.”

“Sige, bye na. Ingat ka, my jejemon best friend. Wahahaha!”

“Bye. Good night.”

Ibinaba niya na ang cellphone niya. Laging gulat nalang niya ng makita sa screen na nasa underground na siya kung san nagsisilbing bodega ng building. Muling pinindot ni Joshua ang L, isang 2 floors ang pagitan ng underground sa L. Agad namang tumugon ang elevator..pero nilampasan nito ang L at dinala siya sa roof deck na 22th floor ng building.

At sa roof deck, bumukas ang pinto. Napakadilim sa roof deck. Kabadong kabado na si Joshua. Umihim ang isang napakalamig na hangin. Dahil sa dilim sa roof deck, wala siyang makita kahit konti. Maliban sa isang malaking transmitter, ay helicopter landing lang ang gamit ng roof deck. May maliit ring utility area doon kung saan naglilinis ang mga janitor.

May narinig siyang yapak, palapit ito ng palapit sa elevator. Pindot naman siya ng pindot sa L button, pero this time, hindi na ito gumagalaw. Patuloy ang pag lapit ng yapak. Pinawisan na si Joshua. Ang mga mata niya ay parang mata na ng owl na nakabantay sa mga susunod na mangyayari. He stepped back and felt the his back against the elevator wall.

“Aaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!” napasigaw si Joshua ng malakas.

“O bakit sir? Anong problema?” tanong ng security guard na biglang sumulpot mula sa dilim hawak hawak ang kanyang flash light na mamamatay na dahil sa mahinang baterya.

“Kuya naman eh! Ginulat niyo ako!” Joshua said.

“Ah ganun ba sir. Sorry. Teka, anong ginagawa niyo dito sa roof deck?”

“Diba pumindot ka kuya kaya ako napunta dito?”

“Ay hindi po sir. Ang swerte ko nga at bukas na ang elevator ng pababa na ako. Nag check lang ako dito kaya ako andito.”

“H-ha? K-kung hindi ikaw, sino ang pumindot?”

“Hindi ko alam sir.”

Joshua is very puzzled what the heck brought him in that God damn place.

Nang dumating na si Joshua sa lobby ay agad agad na siyang lumabas at tumungo sa kanyang kotse na nasa labas naka park.

“Mabuti nalang pala at hindi ko to ipinark sa parking area ng building, baka mas multuhin pa ako dun.” Sabi ni Joshua sa kanyang isip.

But aside from his experiences that early morning, he still don’t believe that it is something very unhuman that made it that way. He is a very realistic guy, but still, very scared of extraordinary and paranormal thinks.

He forced himself to believe that it is nothing but a technical difficulty.

Mga 3am na nakarating sa bahay niya si Joshua. Pilit niyang iwinawaglit ang mga nangyari sa kanya sa kanyang isip dahil ayaw niyang takutin ang sarili. He believes that if the creepy things that happened to him will continue to dominate his mind, baka mag resign siya sa trabaho dahil talagang nakakapangilabot ang mga crime stories na sinusulat niya. Lalo na dahil aside from writing, photographer rin siya sa mga crime scenes at personal niyang pinupuntahan ang mga patay na bangkay.

Pagdating niya sa bahay, agad niyang hinubad ang kanyang bag, tinanggal ang sapatos, and humiga sa bed. Sobrang pagod na siya at sobrang antok na dahil sa magdamagang pag susulat ng article. Feeling niya ay nanuod siya ng walang tulugan with the master showman kahit hindi pa naman sabado.

Hindi nagtagal ay tuluyan na siyang nakatulog.

“Tulong…” biglang may bumulong sa kanyang tenga. Alam niyang natutulog na siya pero ang tinig ay sadyang napaka-makatotohanan.

“Tulong…” the voice continue to beg for help.

“Tulong…Tulong…Tulong…” sa patuloy na pagbulong, nagising na siya sa mailing pag tulog.

Napaupo siya. “Hay nako. Ano ba yon. Nakakatakot na nga nangyari sa akin kanina, ako pa ang hinihingan ng tulong. What an absurd dream.”

He return to his sleep. Hindi pa man siya tuluyang nakatulog ay..

“Tulong..” the voices again began to ask for help.

“Ha?” napabukas nanaman ang mga mata ni Joshua. “What the heck? Guni guni ba iyon or…”

“Tulong.”

“Oh my God!” napasigaw si Joshua at agad na tumayo at iniwan ang kanyang condo. Pumunta siya sa reception area ng condo tower na tinitirahan niya at doon siya nagpalipas ng sandali sa sobrang takot.

Pero bago siya nakatulog, nag text muna siya sa isa pa niyang kabarkadang si Frankie para magpasama sa kanyang pad. Hindi niya naman pwedeng tawagan si Jessica dahil parang medyo immoral ang dating kung sa babae siya magpapasama.

Around 5am, dumating ang kaibigang si Frankie.

“Tol, anong meron? Bat dito ka natulog sa reception? You’re the only one I know that slept in the reception area of a condo tower.” Unang banggit ni Frankie.

“Pare, it’s kinda serious. It may be embarrassing pero someone is really messing up with me.” Sagot ni Joshua.

“Ha, sino?”

“Ghost.”

“What!? So ngayon you’re already believing with ghost pare! Haha. Good morning sa iyo, you’re funny.” Patawang sagot ni Frankie.

“Pare, do I look joking. Can’t you see my eyebugs? Sa pagod ko ba naman mag jojoke pa ako.”

“So you’re serious?”

“Of course I am. Me myself is wondering.”

“Tell me more.”

Joshua began to tell everything that he experienced in that same day.

“Ano, pare? What do you thing it is about?”

“Ewan. But the last words I heard from that God damn thing is “Tulong”. That itself confirms that it is asking for a help.”

“So, what do you plan? Will you do something or just stay calm and no actions?”

“I don’t know pare. But one thing for sure, I want that ghost to stop haunting me.”

“Okay. Nag break fast ka na ba? After breakfast alis na ako ha.”

“A-ano? Akala ko ba pumayag kang mag stay dito kahit at least for 1 month lang?”

“Ano? One month ba ang sabi ko? Diba one week lang?”

“Hehe. Make it one month nalang!”

“Nope. I’ll stay here in 1 week lang pare. And that’s final.”

“Okay, okay.”

Matapos ang maikling kumbersasyon ni Joshua at Frankie ay dumiretso sila sa isang fastfood chain at doon nag breakfast.

“Pare, ano kaya kung tulungan mo na ang office attired ghost na yan?” tanong ni Joshua habang kumakain.

“Pare, as long as I can, I don’t wanna get involve in any businesses na hindi naman talaga ako dapat nakikialam.”

“Ok. Sabi mo eh..”

Bumalik si Joshua sa office para i-proof read ang kanyang story pero di na siya nagpaiwan at umuwi na around 6pm. Samantalang si Frankie, dahil malapit na ipamana sa kanya ang kanilang business, ay ine-enjoy muna ang “freeman” life niya at humilata lang all day with the laptop sa kanyang harap at internet ng internet sa pad ni Joshua.

Pagdating ni Joshua ay nakatutok pa rin si Frankie sa kanyang laptop. Si Joshua naman, kumuha ng yogurt sa ref at kinain ito. Pagkatapos, ay humiga na sa bed kahit maaga pa dahil puyat na puyat siya kagabi.

Maya maya pa, mga bandang 12am, ay naramdaman niyang sinisiko siya ni Frankie. Talikuran sila sa paghiga sa king size bed ni Joshua.

“Ahmmmmmmmmmm…” ungol ni Joshua na tila ayaw paistorbo. Pero ipinagpatuloy ni Frankie ang pagsiko sa kanya.

“Ano ba?” sabi ni Joshua sabay harap sa side ni Frankie, nanigas naman siya sa kanyang nakita.

Nasa harap ni Frankie ang duguang babaeng akala niya ay guni guni lang niya. Ang babae ay nakayuko, pero nakaharap ito sa kanyang kaibigan. May dugo ito sa kanyang dibdib at braso, ang buhok naman ito ay parang ilang beses na sinabunutan. Kapansin pansin rin ang ilang mga sunog na tela sa kanyang damit, at ang mga sunog niya sa kanyang braso. Nakikita rin na may sunog rin ang kanyang leeg, pero ang kanyang mukha ay di na masyadong nakikita dahil na rin magulo ang buhok nito at nakayuko ito.

At least 15 seconds has passed and the scary image of the ghost vanished in the air just like a smoke. The 2, however, are still stunned and can’t move an inch. For about 10 seconds, natauhan na si Frankie.

Tumayo ito sabay sabing “Pare, ayoko na! Uuwi na ako.”

Natauhan na rin si Joshua dahil sa sinabi ni Frankie.

“Ha? Sa tingin mo ba ngayong nakita mo na siya ay hindi ka na rin niya guguluhin? Alalahanin mo, mas magandang multuhin nang may kasama kesa mag isa!” sagot ni Joshua.

“Huh? Hindi pwede yan! Gawan mo yan ng paraan!” sabi ni Frankie na naiiyak na parang isang batang inagawan ng lollipop.

“Calm down, pare. Maging ako, I want it to stop. But before it stops, we need to do something.”

“Ano!? Sabihin mo! Kasalanan mo to eh!”

“We’ll help her. We’ll help the ghost.”

“Saan tayo magsisimula?”

“For sure, isa siya sa mga sinulat ko. Bukas, tignan natin ang mga..” hindi pa man natapos ang kanyang pagsasalita ay may pumasok sa kanyang isip. “Hindi kaya si..”

“Sino?”

“Si Agnes, Agnes Fuentabella.”

The next day, the friends went to the office of Joshua. When they arrived, Joshua immediately turned on his computer. He opened the file titled “Businesswoman dead on Fire”.

“Pare, yan ba si Agnes?” tanong ni Frankie.

“Oo pare, siya nga yan.” Sagot naman ni Joshua.

“Wow pare, ang ganda pala niya! Parang medyo nag mature lang na Marian Rivera!”

“Mataba pala ha. Hehe.”

“Eh bat siya humihingi ng tulong eh sa sunog naman pala siya namatay ayon diyan sa report mo?”

“That’s what we are going to find out. Posible talagang may foul play dito.”

“Tapos?”

“We need to know her background first.”

“Eh paano naman kung hindi siya ang multo?”

“Sandali..”

Joshua started to browse pictures of Agnes Fuentabella when she is still living in the internet.

“There you go.” Joshua said while pointing to the monitor the picture of Agnes Fuentabella. “Hindi ba yan ang babaeng nakita nating dalawa kagabi? Saktong sakto diba ang kanyang kasuotan? Pati ang buhok at tindig niya, kapareho talaga eh. Yan ang kuha niya sa isang press gathering bago siya namatay sa sunog.”

“Oh I see. Ang ganda pala niya.” Sabi ni Frankie. “Tapos ano na ang gagawin natin?”

“Siyempre kailangan nating mag imbestiga.”

Tapos nun ay nagsimula na si Joshua mag google about Agnes. And he found out that Agnes Fuentabella is a 28 year old businesswoman. Owner and CEO of Philippines’ biggest group of companies, the Fuentabella Group of Companies or FGC. Included in the businesses of FGC are hotels and resorts around the Philippines, a clothing line, fastfood chains, and an advertising company. No doubt that she is indeed rich.

Napag-alaman rin ni Joshua at Frankie na may kapatid si Agnes, yun ay si Alicia Fuentabella, ang acting CEO ng FGC isang linggo matapos ang pagkamatay ni Agnes.

“Kailangan nating makausap ang kapatid niya, si Ms. Alicia.” Sabi ni Joshua.

Pagkatapos nun ay tumuloy na sila sa tahanan ng mga Villarico. Isa nang Villarico si Alicia pagkat nagpakasal it okay Ronnie Villarico, isa sa mga executives ng FGC.

“Ano pong kailangan nila?” tanong ng isang kasambahay matapos mag door bell sila Joshua.

“Ahmm..Pwede po ba naming makausap si Mrs. Villarico?”

“Ahh.. Si ma’am Alicia ba. Sino po sila?”

“Ah, ako si Joshua, Joshua Martinez. Columnist po ako galing sa The Weekly News magazine.”

“Ah. Sige, teka lang po ha.”

Pumasok ang katulong sa bahay upang tawagin ang kanyang amo. Makalipas ang ilang segundo ay bumalik na ito.

“Pasok daw po kayo.” Sabi ng katulong.

“Sige po. Thank you” sagot nila Joshua.

Tumuloy na sila sa bahay. Ang bahay ay malaki at glamoroso. Located ito sa isang pamoso at maluhong subdibisyon sa Makati. Sa isang magarang sofa, nakaupo na si Alicia at naghihintay.

“Good afternoon po. Ako nga pala si Joshua, Joshua Martinez.” Pagbati ni Joshua.

“Yes, I know you. Ikaw diba yung writer sa isang news magazine?” nakangiting sabi ni Alicia kila Joshua.

“Ah, opo. Ako nga po yun. Ito nga pala ang kaibigan ko, si Frankie, Frankie Morales.” Pagpapakilala ni Joshua sa kaibigan.

“Hi po.” Sabi naman ni Frankie.

“Hello. Ano nga pala ang kailangan nila?” tanong ni Alicia.

“Ahmmmm. Mrs. Villarico, magtatanong lang po ako ng ilang bagay tungkol kay Agnes Fuentabella. Mula sa kanyang childhood at sa kanya pong pag upo sa FGC.”

“Ah. Tungkol pala kay Agnes.” Sabi naman ni Alicia na tila ay nalungkot. Naging emosyonal ang current CEO ng FGC sa sinabi ni Joshua. Maya maya pa ay naluha na ito at tinakpan ang kanyang bibig ng isang panyo

“Ma’am, pasensya na po, I guess you aren’t ready to talk about her yet.” Sabi ni Joshua nang makitang naging emosyonal si Alicia. “Alis na po muna kami. Balik nalang po kami bukas..”

“Hindi, sige maupo kayo. Magku-kwento na ako.” Sabi ni Alicia nang muntikan nang umalis sila Joshua at si Frankie. Si Frankie naman ay patuloy sa paglilibot ng tingin sa bahay na iyon dahil kamanghamangha talaga ang disenyo nito at mamahalin.

Umupo sila Frankie at Joshua upang makinig sa iku-kwento ni Alicia. Natapos na ang kwento ni Alicia. Dito napag alaman ni Joshua at Frankie at maiksi ngunit makulay na buhay ni Agnes.

Ayon kay Alicia, sila ni Agnes ay mag step sister lamang. Ang ina ni Agnes ay namatay noong 3 years old pa lamang siya. At makalipas ang isang taon, nagkita naman ang ama niyang si Frederico Fuentabella, at ang ina ni Alicia na si Amalia Guanzon, isang supermodel noon sa Paris, France para sa noo’y developing clothing line pa lamang ang F Clothes ng FGC.

At ayon pa kay Alicia, simula raw sa kanilang pagkabata ay sobrang malapit na sila ni Agnes.

Si Agnes ay kumuha ng marketing management, samantalang si Alicia naman ay kumuha ng financial management. Magkaiba man ang major ay pareho namang business administration. Kambal tuko, yan ang deskripsyon ni Alicia sa kanilang pagiging malapit na magkapatid. Kailanman umano’y hindi pa sila nagkainggitan.

Nagkaroon raw ng kasintahan si Agnes, si Richard Villarico. Si Richard ay kakambal ni Ronnie na asawa naman ni Alicia. 19 si Agnes nang magkarelasyon sila ni Richard, ngunit pinutol ni Agnes ang kanyang relasyon kay Richard nang mamatay ang ama niyang si Frederico Fuentabella. 23 years old noon si Agnes ng makipaghiwalay kay Richard para tuluyan nang pangasiwaan ang FGC.

Marami raw sa board members ang tumangging pangasiwaan ng 23 years old na si Agnes ang buong FGC, at mas gusto pang hawakan ito ng asawa ni Alicia na si Ronnie. Pero sa tulong ni Alicia at ng kanilang mga kapanalig sa FGC, natuloy ang full take over ni Agnes sa FGC. At sa unang taon pa lang niya sa pamamahala ay nakuha niya na ang loob ng buong FGC, mapa executives man o mga ordinaryong empleyado, liban kay Richard.

Dito na nagsimula ang mga pagdududa kay Richard ni Joshua na baka ito ang dahilan o ang may pakana ng sunog sa mansion ni Agnes.

At mas tumindi pa ang mga pagdududa ni Joshua ng malamang sinubukan ni Richard na maging CEO ng FGC, pero hindi ito nagtagumpay dahil mas pinili ng mas nakararaming board members si Alicia bilang CEO ng FGC.

“Kung ganun, di kaya kaya pinatay ni Richard si Agnes dahil mas gusto niyang siya ang CEO ng buong FGC?” tanong ni Joshua sa isip.

“Pare, kailangan kong mag-imbestiga at kumuha ng mga ebidensya laban kay Richard Villarico.” Sabi ni Joshua kay Frankie habang pinapaandar ang kanyang kotse.

“At pano ka naman nakasisiguro na si Richard nga ang pumatay kay Agnes?”

“Pare, didn’t you heard it right? Siya lang ang may motibo.”

“Pero mahal niya si Agnes, why the heck he would kill the one he loves?”

“Diyan tayo hindi sigurado. Baka nga pera lang ni Agnes ang gusto ni Richard kaya siya nakipagrelasyon.”

“Basta ako, pare, iba ang nakikita ko. San tayo ngayon?”

“Pupunta tayo sa NBI para magtanong.”

“Cool! Ikaw, from columnist, ngayon detective Conan na! Ako naman, from hot bachelor, ngayon inspector clausso na! Haha. Pink Panther go!”

“Sira. Tara na nga.”

Dumiretso na sila sa NBI para doon naman kumuha ng impormasyon tungkol kay Agnes. Papasok palang si Joshua sa NBI building nang may bumulong sa kanya ng “Salamat.” Napangiti naman si Joshua dahil alam niyang si Agnes yun.

When they are already inside, NBI agent Prospero Kinchay entertained them.

“Ah sir, I’m Joshua Martinez from The Weekly News magazine. I’m here to fetch some info from the death of Agnes Fuentabella?”

“Nose bleed, sir! Haha. Hindi, joke lang. Hehe.” Sagot naman ni NBI agent Kinchay. “Ah ok. Here we go. So far, ang dahilan ng sunog na nakikita namin is electrical overload.”

“Ha? Sigurado ba kayong electrical difficulties ang dahil ng sunog!?” tanong ni Frankie na bahagyang tumaas ang tinig.

“Frankie, wag ka masyadong magulat.” Bulong ni Joshua. “Yun lang po ba sir? Wala bang foul play angle?”

“Foul play? Never pumasok ang angle na yun sa imbestigasyon although sinubukan naming i-check kung meron nga.”

“Ganun ba sir? Sige, alis na po kami.”

Lumabas na ng building sila Joshua at si Frankie.

“Imposibleng walang foul play sa pagkamatay ni Agnes.” Sabi ni Joshua.

“Sa tingin ko rin. Dahil walang magmumulto kung wala siyang kailangang hustisya.” Sagot ni Frankie.

“Kailangan nating pumunta sa mismong nasunog niyang mansion mamaya.”

“Alam ko na!”

“Ano Frankie?”

“Pumunta tayo sa mismong nasunog na bahay ni Agnes para doon mag-imbestiga!”

“Sira ka talaga. Tara na. Malayu-layo pa ng ibabyahe natin.”

Bumyahe na sila Joshua at Frankie patungo sa nasunog na mansion ni Agnes para maghanap ng ebidensyang magpapatunay na hindi aksidente ang nangyari, kundi planado para patayin si Agnes.

Inabot na sila ng gabi.

“Pare, ang dilim. Tara, balik nalang tayo bukas.” Sambit ni Frankie.

“Ano ka ba? Andito na tayo. Ang haba kaya ng binyahe natin tas uuwi ka lang.” tugon naman ni Joshua.

May dalang flash light ang bawat isa sa kanila. Maya maya pa ay may biglang kuminang sa may hagdanan. Bahagyang natatabunan ang malaking bahagi niyo ng abo.

Nilapitan ito ni Joshua, pinulot niya ito. Napagalaman niyang iyon ay isang silver bracelet na mukhang mamahalin. May pendant pa ang bracelet na half heart.

“Pare, tingnan mo to..” banggit ni Joshua habang ine-examine ang silver bracelet na iyon.

“Ano yan pare? Para ba kay Jessica yan? Ordzzzzz!”

“Ulol! Napulot ko to dito.”

“At ano naman kaya ang mapapala natin diyan?”

“Marahil ito na ang magtuturo sa tunay na suspect sa pagpatay kay Agnes.” 

Kinabukasan, paalis n asana sila Joshua at Frankie patungo sa bahay ng mga Villarico upang itanong kung galing kanino o sino ang may ari ng silver bracelet na natagpuan nila noong unang gabi ng tumawag si Jessica. Agad namang sinagot ni Joshua ang tawag ng kanyang bestfriend na girl.

“Hi Jess.” Paunang salita ni Joshua.

“Hello! Asan ka ngayon?”

“Ahmm.. Andito sa kotse.”

“Saan ka pupunta? Sino kasama mo?”

“Ah. Pupunta kami sa bahay ng mga Villarico. Kasama ko si Frankie.”

“Talaga, papunta kayo sa bahay ng mga Villarico? As in bahay ni Mr. Ronnie Villarico?”

“Oo eh. Teka, bat mo kilala si Ronnie Villarico?”

“Of course! Siya yung gwapong asawa ni Ms. Alicia na minsan ko nang idinesign ang interior ng bahay niya.”

Si Jessica ay isang tanyag na interior designer ng mga mayayamang tao. At nagkataong siya ang nakuhang interior designer ng mga Villarico.

“Talaga. Big time ah.”

“Oo nga eh. Teka, sasama ako!”

“What? Bakit naman?”

“Gusto kong bumalik duon! Super pogi ni Mr. Ronnie!” sabi ni Jessica na excited na excited at kinikiligkilig pa.

“Ikaw talaga. May asawa na yun no.”

“Basta. I want to go with you!”

“Okay, fine.”

Hinintay nila Joshua at Frankie ang kanilang kaibigan na si Jessica. Mga 30 minuto ang lumipas bago ito dumating. Pagdating ni Jessica ay agad na silang umalis patungo sa mga Villarico.

“Teka, ano nga ba ang kailangan ninyo kila Mr. Ronnie?” tanong ni Jessica na kakatanggal lang ng earphone niya sa tenga.

“Ahm. May iniimbestigahan kasi kami for the sake of my journalist career.”

“Ganun? Okay. Sabi mo eh.”

Nahalata ni Frankie sa mukha ni Joshua ang desisyon nitong wag sabihin kay Jessica ang tunay nilang pakay kung bakit nila kailangan makipagkita sa mga Villarico.

Pagdating nila sa mansion ng mga Villarico, agad naman silang pinapasok ng kasambahay nito. Pinaupo sila sa isang bagong sofa. Iba ito sa dating sofang nakita nila Frankie at Joshua.

“Diba, ang ganda ng sofa! Ako kaya ang pumili niyan!” sabi ni Jessica na abot tenga ang ngiti at proud na proud.

Maya maya pa ay bumaba na ang mag-asawang Villarico sa hagdan. Mukhang paalis na rin ang mag asawa dahil pawing naka corporate attire na sila.

“Good morning po ma’am at sir.” Bati ng tatlong magkakaibigan.

“Oh good morning. Anong kailangan nila?” tanong ni Alicia Villarico.

“Ma’am, were here because of this.” Sagot ni Joshua habang ipinapakita ang silver bracelet na may heart pendant na kakatanggal pa lang niya mula sa panyong ginamit niya pambalot dito.

“Ang b-bracelet..” mahinang sabi ni Alicia.

“Ang bracelet!” sambit rin ni Ronnie na halatang nagulat.

“Bakit po, ma’am at sir? Alam niyo po ba kung kanino ang bracelet na ito?” tanong ni Frankie na mistulang may bahid ng pagtataka sa kanyang mga mata.

“Yan ang bracelet na ibinigay ni Richard kay Agnes!” pagdedeklara ng naiiyak na si Alicia. “Pero binalik ito ni Agnes ng maghiwalay sila!”

“Hmmmmmmmmmmmm… I think we’ve just solved the case.” Sabi ni Joshua sa isip.

Sa mukha ni Jessica nakapinta ang pagtataka, sa mga mata naman ni Frankie nakaukit ang pagdududa.

Pagkatapos nang mga nadiskubre ni Joshua ay desidido na siyang mabigyan ng hustisya si Agnes.

Sa kabilang dako, gabe na at matutulog na si Alicia. Bago siya matulog ay pumunta muna siya sa banyo at nag shower. Wala ang asawa niyang si Ronnie dahil tumungo ito sa Cebu para sa isang itatayo nilang hotel doon.

Pagkatapos niyang mag shower, pumunta siya sa salamin ng banyo at nag toothbrush. Laking gulat nalang niya ng pag tingin niya sa salamin ay nangiti niya salamin ay may katabi siya. Muli, ang babaeng naka office attire, nakayuko, may mga sunog sa ilang bahagi ng katawanm, at dumudugo ang dibdib.

Nanlaki ng sobra ang mata ni Alicia. Nabitawan niya ang basong nasa kanyang kamay.

“Nyaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhh!” napatili si Alicia sabay takbo palabas ng banyo. Bumaba siya dahil gusto niya sanang gisingin ang kanyang mga katulong. Pagdating niya baba,

“Tik, tik, tik, tik,” dinig sa buong mansion ang nag eecho na tulo ng gripo na hinala niya ay nanggagaling sa kusina. Bago niya puntahan ang kanyang mga katulong ay tinungo niya muna ang gripo upang patayin ito.

Pagdating niya sa kusina, pinatay niya ang gripo. Bigla nalang ang mga ilaw ay nagpatay sindi. Kinabahan nanaman siya. Pagtingin niya sa bintana na nasa harap lang ng lababo, nakita nanaman niya ang multo. Nasa tapat ito ng asul na swimming pool. Ang multo, bawat segundo ay palapit ng palapit.

Ang takot na takot na si Alicia naman at napuno ng takot sa puso at isip. Di nagtagal ay sinubukan niyang tumakbo patungo na sa mga kasambahay…pero sa pinto ng kusina, laking gulat niya ng andun nanaman ang multo.

Makalipas ang dalawang segundo, nawalan ng malay si Alicia dahil na rin sa sobrang takot. Kinabukasan, natagpuang nakabulagta at walang malay si Alicia, agad siyang dinala sa ospital ng kanyang asawa.

Sa kabilang dako, tumungo na si Joshua kasama si Frankie at Jessica sa NBI upang ireport ang ebidensyang nakalap nila na magdidiin kay Richard Villarico, and dating kasintahan ni Agnes.

Pumayag rin si Alicia na ikwento ang tungkol kay Agnes at Richard dahil ito ang magbibigay ng motibo kay Richard. Pero bago sila tuluyang bumalik sa NBI ay bumalik muna sila sa crime scene upang patuloy na mangalap ng ebidensya ngunit nabigo sila.

“Pano yan, bigo tayong kumuha ng mga bagong ebidensya laban kay Richard.” Dismayadong banggit ni Frankie.

“Frank, Josh, ano ba talaga ang involvement niyo sa kaso na yan?” tanong ni Jessica.

“Jess, as a journalist, it is my responsibility to make the truth come out.”

“But you’re not an investigator! You’re just putting yourself in danger.”

“Jess, I am willing to put my life on a line para lang masolve ang kaso ni Agnes.”

Natahimik sila sa sinabi ni Joshua.

“Kahit wala tayong bagong ebidensya, sapat na ang heart bracelet para muling buksan ang kaso at muling tingnan ang foul play angle sa pagkasunog ng bahay na ito kasama si Agnes.” sabi ni Joshua.

Ang kasunod na nangyari ay dumiretso na ang magkakaibigan sa NBI upang isubmit ang nakalap nilang ebidensya. Tinanggap naman agad ng ahensya ang ebidensya ngunit hindi raw iyon sapat.

“Sir, eh kung may motibo po ba si Richard ay muli na ninyong iimbestigahan ang kaso?” tanong ni Joshua.

“Well, depende sa motibo. Kung medyo mabigat ito at malaki ang pwedeng kinalaman sa kaso, pwede.”

“Hmmm. Ngayon, mabubuksan na ulit ang kaso at maituturo na si Richard pag nagsalita na si Ms. Alicia.” Sabi ni Joshua sa isip na may ngiting tuso sa kanyang mukha.

 Isang gabi sa kwarto ni Alicia sa ospital na pinagdalhan sa kanya, nag iisa na lamang siya pagkat ang kanyang asawang si Ronnie ay bumaba para bumili ng kape.

Nagising siya dahil ang telebisyon sa kwarto ay bigla nalang nabuksan. Walang satellite kaya ang tunog ng TV ay napakasama sa tenga. Isang araw rin siya halos na walang malay dahil sa sama ng bagsak ng ulo niya.

“Ahhh..ano ba yan!?” inis na sabi ni Alicia dahil sa ingay ng TV.

Tumayo siya dala ang kanyang dextrose para patayin ang TV. Pag pindot niya sa button ng switch ay hindi namamatay ang TV. Minabuti niyang tanggalin ito sa pagkakasaksak. She was surprised to death when she found out that the TV is actually unplugged. So what the hell could ever made the TV turned on?

Awhile later, the lights again went turned on and off. And there, the ghost of Agnes is back.

“Agnes! Agnes! Manahimik ka na!” Alicia said nervously.

“Alicia! Alicia! Gising! Nanaginip ka!” bigla nalang narinig ni Alicia ang tinig ng asawa.

“Haaaaaaaaaa… Panaginip lang pala..” nagising si Alicia.

“Ano bang nangyari sayo Alicia?” tanong ni Ronnie.

“Si Agnes, siya ang dahilan kung bakit ako hinimatay at nawalan ng malay!” pagdedeklara ni Alicia.

“Ha? Anong ibig mong sabihin?”

“Si Agnes, ginugulo niya ako!”

“Tok tok tok..” biglang antala ng isang katok. Alas otso na ng umaga noon.

Pumasok na sila Joshua, Frankie, at Jessica.

“Good morning po Mr. Villarico and Ms. Alicia.” Bati ni Joshua.

“Hello po sir, hello mam!” bati naman ni Jessica.

Kung bumati ang mga kaibigan niya ay wala namang kibo si Frankie dahil sa ilang mga bagay niyang pinaghihinalaan.

“Good morning naman.” Bati ni Ronnie.

“Good morning din. Kamusta na ang imbestigasyon ninyo?” tanong ni Alicia.

“Mam, maari na raw buksan muli ang imbestigasyon at maari na ring makasuhan si Richard pag nagkataon.”

“Paano Joshua?” tanong ni Ronnie.

“Kailangan po namin ang kwento ni Ms. Alicia.”

“Ha? Ang kwento ko?”

“Opo mam. Kwento niyo tungkol sa mga ginawa ni Mr. Richard pagkamatay ni Ms. Agnes at ang paghihiwalay nila. Ito ang magbibigay motibo. Pati rin ang half heart bracelet ay malaking tulong.”

Pagkalabas na pagkalabas ni Alicia sa ospital ay nag kwento na siya sa NBI investigators.

Dahil na rin sa testimonya nitong si Alicia ay tuluyang tinanggap ang motion for reinvestigation na sinampa ng pamilya Villarico at di man nakahanap ng sapat na ebidensya ay nakahanap naman sila ng mga bagong testigo.

Ang mga katulong na si Fedra, Gorgonia, at Elena, ay nagsabi na sila ay pinag day off ni Richard bago ang krimen at parang medyo masama daw ang mood nito. Kasama sa pinag day off ay ang driver rin sa si Eliseo, at hardinerong si Maki. Nag bigay rin sila ng testimonya na nagdidiin kay Richard Villarico.

At dahil mukhang sapat na ang lahat ay makalipas lang ang isa o dalawang linggo ng imbestigasyon ay tuluyan ng binigyan ng subpoena ang kampo ni Richard para sa pagdinig. Wala namang ano ano ay hindi tumanggi si Richard.

Makalipas ang halos isang buwan, napatawan na si Richard ng reclusion perpetua o habang buhay na pagkabilanggo. Walang reaksyon dito si Richard, parang buhay na walang emosyon na ito. Hindi na ito nagtrabaho ng hindi siya piliin ng board members ng FGC na maging bagong pangulo ng kumpanyang ito.

“The case is closed” sabi ni Joshua.

 “Pare, pwede na ba akong umuwi tutal tapos na naman ang kaso ni Agnes Fuentabella?” tanong ni Frankie habang sila ay ang iisnak nila Joshua at Jessica sa isang fastfood chain isang hapon.

“Oo ba. Tutal tapos na ang imbestigasyon at naparusahan na si Richard, okay na!” sagot ni Joshua.

“Congrats!” bati naman ni Jessica sa kanilang dalawa.

“Sana nga, Joshua. Sana nga at tapos na at tuluyan nang nabigyan ng hustisya si Agnes.” Sambit ni Frankie.

“Oo naman, Frankie. Ano pa nga ba? Hehe. Back to normal na tayo ulit wala nang multo.”

After the friends snacked, all of them went home to their respective places. Frankie first went to Joshua’s place to get his things and go home.

When Frankie left, Joshua is alone again.

10 in the evening, Joshua is gonna sleep already. Few minutes later, he finally slept. And the dreams, or better I say, the nightmare is back.

In his nightmare, he is in front of Agnes’ mansion in an exclusive and expensive subdivision in Taguig.

Joshua is clueless why the hell his body makes him move to enter the house of Agnes. Joshua is unaware that it is his dream. When he entered, he noticed that the elegance of the burned mansion is back, as if it is refurnished completely.

The grand chandelier, the premiere furnitures, and everything is alive again in that mansion unlike when he and Frankie went there to get some evidence.

Later on, a very scary off and on of the lights scenario happened.

Habang patay bukas ang ilaw, si Agnes, and duguang si Agnes, bumababa sa hagdan. Dito unang nakita ni Joshua na may mga pasa rin sa mga paa si Agnes, at kahit may mga sunog na bahagi ay nakikita pa rin niya ito.

Hindi alam ni Joshua pero takot na takot siya at hindi makagalaw. Sa kabila nito ay hindi pa rin niya batid na siya ay binabangungot lamang.

Ilan pang saglit, nasa harap niya na si Agnes. Ang kanilang mga mukha ay napakalapit na sa isa’t isa. Lumakad pa si Agnes patungo sa kaliwang teka ni Joshua at bumulong.

“Hustisya, kailangan ko ng hustisya.” Bulong ng multong si Agnes.

“Hustisya, kailangan ko ng hustisya” isa pang bulong ni Agnes.

Maya maya ay nadilat na si Joshua. Napaupo ito sa higaan. Pawis na pawis. Madilim ang kanyang kwarto at tanging ang lamp shade lamang na nakaligtaan niyang patayin ang nagbibigay ilaw.

Hinihingal siya sa takot. Napuno rin ng pagtataka ang kanyang isip, bakit muli, ay humihingi pa rin si Agnes ng hustisya ngayong nakakulong nanaman si Richard, ang primary and only suspect sa pagkamatay niya.

“H-hustisya?” sambit ni Joshua.

“B-bakit? A-anong ibig sabihin nito?” dagdag pa niya. “Hindi kaya.. hindi kaya hindi si Richard Villarico ang may sala?”

And that night became full of doubts and scare.

It’s already 11pm when Joshua is awakened by his terrifying nightmare. Few seconds later, his iphone rung. It is Jessica calling.

“Hello? Joshua?” sabi ni Jessica na parang ninenerbyos siya.

“Jess, napatawag ka?” sagot ni Joshua.

“Dali, pumunta ka dito!”

“B-bakit?”

“Sa labas ng kwarto ko, parang may nagwawala!”

“Ha? Sige, pupunta na ako diyan.”

“Oo dalian mo, baka mga magnanakaw sila.”

“Sige, wag ka lang maingay papunta na ako diyan.”

So kahit gabing gabi na ay umalis pa rin si Joshua para puntahan ang kanyang bestfriend na sa tingin niya ay nanganganib ang buhay. Pero habang nag dadrive, napaisip si Joshua.

“Teka? Papaanong magkakaroon ng magnanakaw sa condo ni Jessica eh maximum security ang pinoprovide ng condo tower niya?” sabi niya sa isip. “Hindi kaya.. si Agnes? Pero bakit pati si Jessica?”

Matapos nun ay mas binilisan pa niya ang kanyang pagdadrive. Pagdating niya sa condo ay nagsama pa siya ng mga security guard papunta sa unit ni Jessica.

Dali daling binuksan ng mga guard ang unit only to find out that everything is okay. Tumakbo naman si Joshua sa kwarto ni Jessica. Doon, nakita niya ang kaibigan, nagtatalukbong at umiiyang.

“Jess, jess!” sabi ni Joshua sabay tanggal sa kumot nito at yakap. Kinocomfort niya ang kaibigan. “Okay na Jessica. Ano ba ang nangyari?”

“S-si.. si Agnes!” paglalahad ni Jessica.

“H-ha? Si Agnes? Anong ginawa niya?”

“Kanina, tumigil ang mga pagdadabog sa labas ng kwarto ko. Sinubukan kong lumabas para tignan kung ano ba ang mga nangyari…”

“Tapos? Ano nakita mo?”

“S-si Agnes. Nakatayo siya, at ang mga ilaw patay bukas. Ang TV, mga display, ang mga papel, baso at kung ano ano pa ay lumulutang sa paligid niya!”

“A-ano!?”

“Oo! Hindi lang yun, sa mga pader nitong condo unit na ito, may mga nakasulat na nagsasabing “hustisya”. Parang dugo rin ang pinansulat dito! At pagkatapos nun tila nagwala nanaman siya. Ginulo ang mga sofa, lahat ng gamit!”

“Teka, pero hinuli na si Richard.. Paanong..”

“Iisa lang ang ibig sabihin nun, hindi si Richard ang may sala!” biglang sigaw ni Jessica, na iba na ang boses. Parang sinapian ito.

“Jessica?” sabi ni Joshua na nagtataka.

Nahimatay si Jessica.

Pinaalis na ni Joshua ang mga security guard, inayos niya ang kaibigan bago niya iniwan. Habang tulog si Jessica, umupo naman sa couch si Joshua, punong puno ng pagtataka, pagdududa, at pagkainis ang nasa isip niya. Nagtataka siya kung bakit di pa rin natatahimik si Jessica. Nagdududa siya kung si Richard nga ba talaga ang may sala, o iba pa. Naiinis rin siya kung saan siya nagkamali at hindi naibigay ang hustisyang hinihingi ni Agnes.

“Hindi pwede to. Bukas, kailangan kong makausap si Richard Villarico. Marahil doon ako nagkamali, hindi ko kinuha ang panig niya, tanging mga ebidensya at testigo lamang ang mga nakausap ko.” Joshua thought with eager painted in his eyes.

“Epic fail!” dagdag pa niya.

Kinabukasan, agad na umalis si Joshua sa kanyang pad. Bago pa makasakay sa kanyang kotse, naalala niya ang kaibigang si Frankie kung pati ba ito ay minulto ni Agnes na himihingi pa rin ng hustisya.

Tinawagan niya ito. Nagriring naman ang cellphone ni Frankie pero hindi niya sinasagot. Minabuti na ni Joshua na puntahan ito sa kanyang condo.

Pagdating niya roon, si Frankie, nakahiga, tulog mantika.

“Hoy!” gising ni Joshua.

“Ahhhhh! Asan ang kalaban! Asan!” nagulat si Frankie.

“Ano ka ba naman Joshua? Ano nanamang problema?” tanong ng nag aalburuto pang si Joshua.

“Ang sarap ng tulog mo ah? Kanina pa kaya kita tinatawagan!” sagot ni Joshua.

“Ha? Bakit nanaman Joshua? Ano pa ba ang problema mo? Wag mong sabihin may bago nanamang nag mumulto sayo!”

“Wala, pero si Agnes, hindi pa rin na tatahimik!”

“Ano? Diba nakakulong na si Richard?”

“Oo nga eh. Pero sa panaginip ko, humihingi pa rin siya ng hustisya. Sa isip ko…”

“Sa isip mo hindi si Richard ang suspect? Yan na nga ba ang sinasabi ko eh. Noon ko pa talaga pinaghihinalaan na hindi si Richard ang suspect. Ikaw lang naman ang hindi nakikinig eh.”

“Sorry..”

“So ano ang plano mo ngayon?”

“Teka, teka.. Bakit ako at si Jessica ang minulto at hindi ka kasama?”

“Kasi nga alam ko from the start na hindi si Richard ang suspect.”

“Ha?”

“Oo.”

“Sino?” sabi ng takang takang si Joshua.

“Ayoko muna magsalita dahil di pa ako sigurado. Ano na ang plano mo?”

“Kakausapin ko si Richard.”

Agad namang nag shower si Frankie at nagbihis para samahan ang kanyang kaibigan. Sa kabilang dako, si Jessica, hindi nakasama dahil pinauwi siya ng kanyang mommy matapos ang nakakatakot na insidente.

Kasalukuyang nakabilanggo si Richard sa Muntinlupa city jail.

Nagulat naman sila ng Frankie nang paglabas nila sa condo tower ay andun si Jessica.

“J-Jessica?” sabi ni Joshua. “A-akala ko ba umuwi ka sa mommy mo.. bat andito ka?”

“Gusto ko rin tulungan si Agnes.” Sagot ni Jessica.

“Talaga Jess? That’s great!” sabi naman ni Frankie.

“Okay. Sabi mo eh.”

Kaya dali daling tumungo na sila para dalawin at kausapin ng personal ang tinuturong suspect sa pagpatay kay Agnes Fuentabella, si Richard Villarico.

“Josh, sigurado ka bang gusto mong kausapin si Richard?” Tanong ni Jessica.

“Bakit naman hindi..” tugon nito.

“Baka galit siya sa iyo dahil ikaw ang isa sa mga nagdiin sa kanya para makulong.”

“Bahala na.”

Dumiretso sila sa reception ng bilangguan para ipaalam na dinadalaw nila si Richard.

“Sino po ulet sila?” tanong ng pulis habang binubuksan ang record book para itala ang pangalan nilang tatlo. Agad namang sinabi ni Joshua at tuluyang nagpalista sa record book.

Inescortan sila ng isang pulis sa lugar para sa mga dumadalaw. Sa loob ng kulungan, dinig at ramdam ni Joshua ang hirap doon. Mainit, maingay, masikip, at mukhang marumi. May mga naghahari harian din na ginagawang alipin ang ilan.

Tuluyag nakaupo na silang tatlo sa lugar na pinaghihintayan ng mga bisita.

Nagpaalam ang pulis na tatawagin lang raw si Richard. Dahil di naman masyadong high profile ang krimen na binabato kay Richard, wala ito sa “maximum security” kaya madaling dalawin.

Di nagtagal, dumating na si Joshua. Naka posas ang mga kamay, nakasuot ng orange na shirt, walang emosyon ang mukha nito.

“In fairness kay Richard ha, kahit bilanggo ay pogi pa rin. Hehe.” Bulong ni Jessica.

“Tumahimik ka nga.” Saway naman ni Joshua.

Umupo si Richard sa harap nilang tatlo.

“Anong kailangan niyo?” tanong nito sa isang malumanay na tinig.”

“Tungkol kay Agnes, kay Ms. Agnes Fuentabella.”

“Anong tungkol kay Agnes?”

“Kailangan niyong magkwento. At kayo ba talaga ang may pakana ng kamatayan niya?”

“Wala akong kasalanan. Pero aanhin pa ba ang buhay kong ito kung wala na siya. Kaya minabuti kong makulong na lang.”

“Ha? Eh k-kung h-hindi kayo, sino ang pumatay?” tanong ni Joshua.

“Sabi na nga ba eh.” Sabi naman ni Frankie sa kanyang isip.”

“Hindi ko alam. Basta hindi ako.” Sagot ni Richard. “Kung gusto niyong malaman ang lahat tungkol sa amin ni Agnes, sige, magkukwento ako.”

“April noon, (year),” unang salita ni Richard na pumayag nang magkwento tungkol sa kanila ni Agnes. “Excited akong naghihintay sa nasunog na ngayong bahay ni Agnes sa kanya pagkat yun ang kaunaunahan naming date at sa tingin ko, sasagutin niya na rin ako.”

“Dinala ko siya sa isang restaurant. Ang restaurant, inarkila ko para kami lang dalawa doon. May romantikong mga musikero ang tumutugtog habang kami ay naglalakad papunta sa aming upuan.”

“Ang gabing yon, it was such a night to remember, maybe the night that will forever stay in my memory. The best night ever. Yun, tama nga ang hinala ko, matapos ang tatlong buwang panliligaw ko, hindi natapos ang gabi ay sinagot niya na rin ako. Lubos ang tuwa ko ng gabing yun…”

“At sa loob ng apat na taon, miminsan lang kami nag kakatampuhan at hindi pa ito umaabot ng isang araw man lang. Pero biglang umikot ang mga mundo, May (year), namatay si Mr. Fred Fuentabella, ang ama ni Agnes at kasalukuyang pinuno ng FGC.”

“Masakit man, hiniwalayan niya ako para mag focus sa nalalapit niyang pagti-take over sa FGC. Dahil isa rin ako sa top exec ng kumpanya, naiintindihan ko ang sentimyento niya. At kung si Agnes ay nakipaghiwalay sa akin noon, ang kapatid niya namang si Alicia, na ibang iba sa kanya, nagpakasal sa kakambal kong si Ronnie.”

“Kahit kamamatay pa lang ni Mr. Fred?” tanong ni Jessica.

“Oo, ewan ko ba sa babaeng yun, bakit kahit itinuring siyang tunay na anak ni Mr. Fred ay walang kaamor amor ito sa kanyang naging pangalawang ama.” Sagot ni Richard.

“At kahit naghiwalay na kami, we have a very good workin relationship. It is undeniable na tumulong nga naman si Alicia at si Ronnie para tuluyang maging si Agnes ang pinuno ng FGC. Pero may iba lang akong nakikita..”

“Ano po yun?” tanong naman ni Frankie.

“Simula pa lang pagkabata ng unang manirahan sa isang bubong si Agnes at Alicia, inggit na inggit na si Alicia kay Agnes.”

“Inggit? Sabi po ni Ms. Alicia ay kailanman hindi pa sila nagka inggitan ni Ms. Agnes?”

“Well, she lied. Inggit si Alicia hindi lang dahil higit na mas mayaman si Agnes sa kanila bago nagsama ang kanyang mommy at si Mr. Fred, kundi dahil napalapit rin ng husto ang ina niya sa napakabait at napakagalang at napakagandang si Agnes. At simula noon, palagi raw siyang tinatarayan, tinatalakan, iniisnab, hinihiya at kung ano ano pa ni Alica.”

“Nagsinungaling si Ms. Alicia Fuentabella?” sabi ni Joshua.

“At nang mamatay na si Mr. Fred, tuluyan na ngang pinangasiwaan ni Agnes ang FGC. Naging matagumpay siya at nagawang gawing no.1 ang ilan sa mga negosyo ng kumpanya. At kung patuloy na pinahahanga ni Agnes ang mga tao sa FGC, ito si Alicia, paikot ikot nalang sa iba’t ibang lugar sa mundo kasama ang kakambal ko at inienjoy ang yamang pinaghirapan ni Agnes. Oo, pumapasok nga at nagtatrabaho si Ronnie, pero si Alicia, hindi.”

“Dumating ang pinakamalaking dagok ng buhay ko, sa loob ng limang taon ng walang kapantay na pamamahala ni Agnes sa FGC, nabalitaan ko nalang ang sunog sa kanyang mansion na pumatay sa kanya, at sa kanya lamang. Wala na ang mga katulong, hardinero, driver, at iba pa niyang taga pag silbi. Unang pumasok sa isip ko na baka nga sila ang may pakana, pero ayun sa mga kapitbahay nila, pinagday off daw sila. Kaya sino naman kaya ang nagpaday off sa kanila?”

“Pero s-sabi po nila..”

“Na ako ang nag padayoff? Well that’s a perfect lie! Alam niyo bang nasa Beijing ako ng mangyari yun? I’m on a vacation. The next day, I went home because of the blaze.”

“But sir, why didn’t you defended yourself?” tanong ni Jessica.

“Why would I? I have no reason to live no more because of Agnes. Hinihintay ko na lang sana ang pagkakataon na makakaya niya na kaming pagsabayin ng career niya. Alam kong mahal niya pa rin ako. She just can’t find a time for us.”

“How can you explain naman po ang kwento ni Ms. Alicia na pagkamatay raw ni Agnes ay sinubukan niyong maging pinuno ng FGC?” tanong ni Joshua.

“Another simple thing na nilagyan ng malisya. Alam niyo ba kung bakit? Dahil alam kong babagsak ang kumpanya kung si Alicia ang mamumuno! Pwede niyang kamkamin ang resources ng kumpanyang matagal na inalagaan ng mag amang Fuentabella. So will I let them do that sa pinaghirapan ni Mr. Fred at Agnes? No way. But because of bribing, yun, ngayon nasa masamang kamay na ang FGC. I know kung saan man si Agnes ay disappointed siya sa standing ng FGC.”

“Standing ng FGC?”

“Yes, alam mo bang pagdalaw sa akin ng isa kong kaibigan dito, kwento niya, isang buwan pa lang ng leadership ni Agnes at ng traydor kung kapatid, bumaba na ang sales and income ng FGC. Kung dati every year ay tumataas ito ng 2 – 3% over sa mga competitors, ngayon bumaba ng 8% lang naman ang income in a month. Can you believe that? Sa isang iglap, ang dating nangunguna, magiging kulelat. Kaya mali bang iprisinta ko ang sarili ko para pamunuan ang kumpanya dahil ako naman ang tunay na pinagkakatiwalaan ni Agnes bago siya pinatay.”

“Hmmmmmmmmm… Ganun pala yun. Salamat po sir sa maikli niyong kwento. Salamat po talaga. Tama ang desisyon ko na kunin ang panig niyo. Ngayon malinaw na ang lahat sa akin.” Sabi ni Joshua. Paalis na sana sila sa kinauupuan ng maalang..

“Ah sir, how ‘bout the half heart bracelet that was found in the burned house?”

“Ano? May nakita kayong half heart bracelet doon?”

“Opo. Sa inyo po ba yun? At kung sa inyo, bakit nandoon?”

“Is the half heart bracelet left or right?”

“Po?”

“Is it left or right!?” biglang naging hysterical si Richard.

“L-left po. Bakit po?”

“Walang hiya sila.” Sabi ni Richard na pilit nagtitimpi. Ang mga kamao nito ay mistulang gustong manuntok.

“Bakit po sir?”

“Ang half heart bracelet na yun ay galing sa mommy ko. At isa pa, ibinalik sa akin ni Agnes ang right half heart bracelet nung hiwalayan niya ako. Kahit puntahan niyo pa sa bahay ko. Ang binigay sa akin ni mommy ay right, at ang left…”

“Kanino po niya binigay?”

“Kay Ronnie. Sa traydor na si Ronnie.”

Umalis ang tatlo na punong puno ng pagdududa. Gulong gulo na sila. Dalawa ang half heart bracelet, ang right ay ang kay Richard, at ang left ay kay Ronnie.

Pansamantalang nawaglit sa isip nilang tatlo ang mga pagdududa at paghihinala na rin sa tunay na pumatay kay Agnes ng makareceive si Joshua ng text message mula kay Alicia.

“Hi Josh. Punta kayo dito agad sa bodega namin (address), alam ko na kung sino talaga ang tunay na pumatay kay Agnes. Hindi si Richard, nagkamali tayo.”

At sa kagustuhan naman nilang tatlo na malutas na ang kaso ay pumayag sila.

Dumating sila agad sa isang malaking bodega ng mga defunct mechanical equipments without even thinking why the hell Alicia will ask them to meet in that creepy place.

Pumasok sila sa dati nang nakabukas na daan. Malaki ito at kalawangin. Ang laman ng bodega ay panay de kalawang din na mga makina ng kung ano ano na sa tingin nila ay pag aari rin ng FGC.

Pagpasok nilang tatlo laking gulat ni Joshua at Frankie ng napasigaw si Jessica. May isang nakamaskarang lalaki ang nag tusok ng injection sa leeg niya. Paglingon nila ay may bigla namang humampas ng kahoy sa kanilang dalawa, enough to make them unconscious as well like Jessica. The difference is just that Jessica lost her consciousness because of the injection and the 2 boys lost their consciousness because someone hit them so hard.

Few hours later, the 3 found thereselves tied in old wooden chairs. Nagsusugat na ang mga braso nila sa sobrang higpit ng pagkakatali.



Maya maya, mula sa madilim na bahagi ng bodega, may dumatading, isang babae at mangilan ngilang mga lalake.

“K-kayo?”

Laking gulat nalang nila Joshua ng malamang yun ay walang iba kundi si Ronnie at Alicia Villarico

“Oo, kami nga. Hahahaha.” Sagot ni Alicia.

“B-bakit?” tanong ni Joshua.

“Bakit ko kayo hinuli? Hmmm… Simple lang naman, dahil masyado na kayong maraming nalalaman!” sagot ni Alicia.

“Ibig sabihin, kayo ang pumatay kay Ms. Agnes?” tanong ni Jessica.

“Oo naman. Hahaha.”

“Sabi na nga ba eh!” sabi ni Frankie.

“So kasalanan ko pa ngayon kung bakit naging tanga ka at nanahimik?” sagot ni Alicia.

“Napaka walang hiya mo naman at pinatay mo ang tunay na taga pag mana ng FGC!”

“Matagal ko na talagang gustong gawin yun. Kaso, dahil medyo mabait pa nga ako, eh hindi ko muna pinatay si Agnes. Haha.”

“So anong plano niyo ngayon?” tanong ni Jessica na halatang natatakot.

“Ha? Anong plano namin? Just like in the movies, of course you we’ll kill you! Pero iba ang ending ngayon. Dahil garantisado ang kamatayan ninyo!”

“Oo nga. At sisiguraduhin naming malinis ang kamatayan ninyo. Yun nga lang, walang burol.” Sabat ni Ronnie at sabay silang humalakhak ni Alicia.

“Tutal, papatayin niyo na rin lang kami, maari bang ikwento niyo nalang ang lahat kung ano ano ang ginawa niyo sa pag patay ninyo kay Agnes?” tanong ni Joshua sa malumanay na tinig.

“Ah yun ba? Ikwento mo nga, honey…” sagot ni Alicia sabay akbay kay Ronnie upang ipa-kwento ang kabuuan ng plano.

“Dahil nga sa katangahan nitong si Richard, ay nagamit namin siya upang maging primary suspect ng kasong ito. “ paunang salita ni Ronnie. “At dahil kambal kami, sa araw bago mamatay ang bobang si Agnes, pinaalis ko lahat ng katulong niya.”

“Siyempre, hindi ko gamit ang pangalan ko, ginamit ko ang pangalan ni Richard. Ano pang silbi ng pagiging magkambal namin diba? So yun. Pagkatapos umalis ng mga katulong, driver, at iba pang trabahador ni Agnes, hinintay ko sa Alicia para dumating. Nag usap kami. Tinanong namin siya ng maayos na i-turn over ang lahat ng shares niya sa kumpanya. Pero ano ang sinabi niya? Pag hirapan daw muna namin yun sa pagta-trabaho sa FGC. At kung ma-impress siya, handa siyang ibigay lahat ng yaman niya hindi lang ang FGC sa amin. At dahil nga planado na namin ang lahat na pag tumanggi siya, ay susunugin namin siya.”

“Tapos ano? Anong ginawa niyo?” sigaw ni Joshua na mistulang naging halimaw na sa galit sa pakikinig sa kwento ni Ronnie.

“Relax ka lang. Mamatay ka na nga eh. Tapos yun, binugbog ko siya para mawalan siya ng malay. Hindi ko rin sinadyang mawaglit ang half heart bracelet sa akin na mukhang nag palakas ng kaso laban kay Richard. So yun, nung wala nang malay si Agnes, umalis na kami. Kaya ko ginustong mawalan siya ng malay para masigurong matutupok siya at mamatay.. ng hindi siya masyadong masaktan! HAHAHAHAHA!”

“Napakasama ninyo!” bulaslas ni Joshua.

Ngunit sa kabilang banda ay napangiti siya dahil recorded na lahat ng nasabi ni Ronnie. Ang kulang na lang ay makaalis sila na hindi pa niya sigurado. Natuwa si Joshua dahil hindi nakuha sa kanya ng mga goons ang maliit na recorder sa leeg niya. Mga cell phones at ibang gadget lang ang nakuha sa kanya.

Pagkatapos ng salaysay ni Ronnie ay umalis na sila. Ngunit bago tuluyang naka-alis…

“Nga pala, ang kamatayan ng gusto mo sanang tulungang si Agnes ay gayun din ang magiging kamatayan ninyo. Haha. Pakialamero kasi kayo. Hehehe.” Sambit ni Alicia.

“Nako Joshua, kelangan nating maka alis dito!” sabi ni Jessica na halatang kinakabahan at takot.

“Wag kang mag alala, makakahanap tayo ng paraang makatakas.” Sagot ni Joshua.

“Tama. Ngayong abot kamay na natin ang hustisya para kay Agnes. Kailangan nating makaalis dito at ibigay ang hustisya!” sabi naman ni Frankie.

Dahil smoker si Frankie, sinuwerteng nagkaroon sila ng paraan para makatakas. Pasimpleng kinuha ni Frankie ang lighter niya sa bulsa sa likod ng kanyang pantalon. At swerte namang busy ang mga bantay nila mga 20 metro ang layo sa pag iinuman at pag lalaro ng baraha.

Unti unti niyang sinunog ang makapal na lupid na nagtatali sa kanyang mga kamay sa likod ng silya. Hindi nagtagal ay nakakalag na siya.



“Frankie, may nakikita akong maliit na bintana dun!” sabi ni Jessica sabay turo sa kaliwa. May isang parihabang bintana na pwede nilang daanan palabas. Mga 50 metro ang layo. Malamang ay di ito napansin ng mga tauhan ni Alicia dahil sa tingin nila, ay minadali ang planong pag papapatay sa kanila.

Hindi nagtagal ay bumalik si Alicia.

“Nga pala, ii-install na ang bomba sa ilang sandali. Kaya guys, stay tuned lang kayo. Maya maya ay nasa heaven na kayo sa sobrang kadakilaan niyo.” Sabi ni Alicia sa isang sarcastic na tono sabay ngiti.

Nag pretend naman si Frankie na mahigpit pa ring nakatali ang mga kamay niya sa silya at nag make face siya na kunwari ay galit na galit at inis dahil mamatay na sila. Lalong tumingkad ang mala-demonyong ngiti sa mukha ni Alicia.

“Oh siya, paalam muna. Hihintayin ko lang sa labas ang bombang galing pa sa Mindanao na papatay sa inyo.” At umalis na ito.

“Ngayon na ang oras…” bulong ni Frankie kay Jessica at Joshua.

Unti unting kinalag ni Frankie ang nasunog na lupid sa kanyang mga kamay. Sunod niyang kinalag ang hindi masyadong mahigpit na pagkaka tali sa kanyang paa. Gumapang siya patungo sa likod ng upuan. Hindi sila masyadong napapansin ng mga bantay nila dahil medyo mahina ang kaisa isang ilaw na malapit sa kanila.

Pumunta si Frankie sa likod ni Jessica at kinalag ang mga lubid, sunod ang kay Joshua.

Hinay hinay silang lumakad patungo sa makitid na parihabang bintana. Maliit lang ang daan papunda doon dahil may mga malalaking makina na bakal na gumigitna sa daanan.

Kinailangan pa nilang umakyat sa mga malilit na kahon para makaakyat sa makitid na bintana. Nauna si Frankie upang tingnan kung gaano kataas ang bintana mula sa madamong lupa sa labas.

“Ayos! – May isang kotseng kinakalawang na pwede nating tungtungan pababa sa labas!” Bulong ni Frankie na halatang natuwa masyado sa kanilang kaswertehan.

Bumaba na silang tatlo. Silang tatlo ay bahagyang nakadap bilang pag iingat dahil baka may mga tauhan pa sa labas na nakabantay.

Sa di kalayuan, may isang lalaking nakatayo malapit sa isang van at may kausap sa cellphone.

“Akalain mo nga naman o, may sasakyan na rin tayo. Hehehe.” Muling sambit ni Frankie.

“Tara na! Kailangan nating patulugin ng hindi gumagawa ng maraming ingay ang lalaking yan!” Sabi ni Joshua.

Unti unti silang lumapit sa lalake. Dumaan sila sa likod ng van. Si Jessica at Frankie ay pinanatili ni Joshua muna sa likod ng van. Hawak ang isang malaking kahoy, pinalo ni Joshua sa batok ang lalake na agad na nagpatulog dito. Pinulot ni Joshua ang cellphone para may magamit sila mamaya kung ka-kailanganin.

Bumalik si Joshua sa likod ng van, “Tara na!” bulong nito.

Kaya pumasok na sa van si Jessica. Si Frankie at si Joshua naman sa unahan ng van umupo. Si Joshua ang nagmaneho. Agad agad ni Joshua pinaandar ang van paalis sa lugar na iyon.

Dun lamang napansin ni Alicia kung ano ang nangyari dahil nasa may labas siya ng bodega at nag aabang sa bombang binili pa lamang niya dahil nga ay madalian ang planong pag patay sana sa tatlo.

“RONNIE!!!” sigaw nito.

“ANONG NANGYARI?” tanong ng gulat na si Ronnie.

“NAKATAKAS SILA!”

“ANO?”

“WAG KA NANG MAG ANO ANO DIYAN! HAHABULIN NATIN SILA! BILISAN MO, ANG KOTSE!”

Agad na tumakbo si Ronnie patungo sa isa pa nilang kotse. Hindi na sila nag abalang tawagin pa ang mga tauhan nila dahil sabi ni Alicia, tatawagan niya na lang sila na humabol.

Kaya agad na sumakay ang mag asawa para sundan ang van na sinasakyan nila Joshua.

Hindi masyadong malayo ang agwat ng van nila Joshua sa kotse nila Alicia. Tumatakbo na ang mga kotse sa bilis na 150km/h sa madilim na daan. Sila lamang ang dumadaan dun sa mga oras na iyon. Halang medyo liblib talaga ang napuntahan nila.

Sinabayan pa ito ng malakas na ulan, panaka nakang pag kidlat at mga nakakatakot na pag kulog.

“HINDI SILA PWEDENG MAKATAKAS!” sigaw ni Alicia. Sabay bukas sa binta ng kotse at tutok ng baril sa van nila Joshua. Hindi inalintana ni Alicia ang malakas na ulan na unti unting bumabasa sa kanya.

Bahagyang pinahirapan rin siya ng pag ulan dahil hindi niya masyadong maasinta ang van at paliko liko pa ang daan.

Maya maya pa ay nagpaputok ng nagpaputok ng baril si Alicia sa van nila Joshua. Natamaan ang bintana sa likod ng van nila Joshua. Dumapa silang tatlo sa van.

Patuloy na nagpaputok si Alicia. Maya maya ay gulong naman ang natamaan. Sapat para mawalan ng control si Joshua sa van. Nalihis ito mula sa sementadong kalye at unti unting bumulusok pababa sa isang abandonado, madilim, at lumang gusali.

Lalong lumakas ang ulan, at patuloy rin ang pagkidlat at ang pag kulog.

“Dali! Bumaba na kayo! Kailangan nating magtago sa loob ng gusaling yan!” sabi ni Joshua.

Bumaba agad silang tatlo at pumasok sa luma at madilim na gusali. Ang gusali ay parang lumang bahay na nasunog at iniwanan. Sa loob nito ay isang maluwag na entrance hall. Sa harap nito ay isang animo’y eleganteng hagdan na pinaglumaan na ng panahon.

Agad agad silang umakyat patungo sa second floor. Sa kabilang banda ay bumaba na rin sa kotse sina Alicia at Ronnie. Dumating na rin ang mga nasa apat na tauhan nila.

“Dali!” sabi ni Alicia. “Sigurado akong nandyan lang sila sa loob. Wala na silang pwede pang puntahan! Ang mga baril niyo, ilabas at ikasa niyo na dahil baka dito na natin sila patayin!”

Pumasok sila Joshua sa isang malaking kwarto. May isang balconahe doon at tanging ang mga kidlat lamang ang nag bibigay ng konting ilaw sa walang laman maliban sa isang salamin na kwarto.

“Sigurado akong nandito na sila at paakyat na sila. Wag kayong masyadong gumawa ng ingay. Maghanap kayo ng mga pwedeng gamiting pamalo. Maya maya ay maghihiwa-hiwalay tayo. Sa ngayon, kailangan kong tumawag sa mga pulis!” saad ni Joshua.

Ginamit ni Joshua ang cellphone na nakuha niya kanina mula sa lalaking tumatawag malapit sa van na ginamit nila.

“Mag ingat kayo dahil baka nasa tabi tabi niyo lang sila!” bulong ni Alicia kay Richard at sa mga tauhan nila. “Maghiwa-hiwalay tayo. Siguraduhin niyong iputok ang mga baril niyo pag nakita niyo sila at pupunta tayong lahat sa pinagmulan ng putok ng baril. Intiendez?

Tumango silang lahat pati si Ronnie.

“Dalian na natin!”

“Ronnie, dun ka pumunta!” sabay turo sa daanan papunta sa kusina.

“Kayong dalawa,”samahan niyo ako sa taas.

“Ikaw naman,” sabay turo sa isa pang tauhan. “Pumunta ka dun!” sabay turo sa may lumang swimming pool.

“At ikaw,” sa pinakahuling lalakeng tauhan nila. “Abangan mo sila dito dahil baka lumabas sila. Naintindihan?”

Atsaka pumunta na sila sa mga sinabing lugar ni Alicia. Umakyat sila Alicia, dahan dahan papunta sa 2nd floor. Maluwag at malaki rin ang 2nd floor. Samantala, nagkaroon rin ng sapat na oras sina Frankie, Jessica, at Joshua na maghiwa-hiwalay. May 4 na kwarto sa malaking 2nd floor ng malaking bahay na iyon.

Si Frankie ay pumasok sa isang maliit at sobrang dilim na kwarto. Nagtago siya sa likod ng pintuan. Ang isa sa mga tinawag na kasama ni Alicia ay doon pumunta. May hawak na matigas na bakal na tubo si Frankie, at batid niyang papasok na ang isang lalake.

Pag pasok ng lalake na may hawak na baril, tumingin tingin muna ito sa tabi tabi. Wala naman siyang nakikita. Unti unti, dumiretso ito sa loob. Nag bukas ng isang maliit na flash light at iniikot sa buong kwarto.

Nang matutukan na ng ilaw si Frankie ay nagulat ito sabay tutok ng baril kay Frankie. Si Frankie naman, agad na ipinamalo ang tubong hawak, at ang baril ay tumilapon. Sinipa niya sa tiyan ang lalake. At bahagyang sinipa ulit sa ulo para mawalan ng malay. Walang kahirap hirap na napatumba ni Frankie ang isa sa mga tauhan ni Alicia.

Si Joshua naman ay mabilis na bumaba sa hagdan. Doon, nakaabang ang isang lalake. Ilang beses rin siya sinubukang barilin ng lalake pero magaling umiwas si Joshua hanggang sa naabot niya na ang lalake. Sinubukan niyang kunin ang baril mula sa lalake. Ilang segundo nilang pinag agawan ang baril at naiputok kung saan saan. Ang putok ay narinig na ni Ronnie at ng isa pang nilang tauhan. Hanggang sa sinipa na siya ni Joshua sa may singit at napahiga ito sa sobrang sakit. Kinuha ni Joshua ang baril at ipinukpok ito sa mukha ng lalake para mawalan rin ito ng malay.

Maya maya pa ay tumakbo papasok na sila Ronnie at isa pang tauhan. Nakatutok kay Joshua ang mga baril nila, gayun din si Joshua na itinututok ang baril kay Ronnie.

“Sumuko ka na, Joshua.” Sabi ni Ronnie. “Pasasaan pa’t mamatay ka rin.”

“Talaga? Manghuhula ka na ba ngayon Ronnie, pagkatapos mong maging murderer? Ha?” sagot ni Joshua.

“Kahit anong sabihin mo, wala ka nang mapupuntahan!”

Sa kabilang dako, lumabas si Frankie sa madilim na kwarto upang subukang tulungan si Jessica kung sakaling nangangailangan ito. Laking gulat nalang niya ng may isa pang lalake na papasok pala sa kwarto. Binaril ng lalake ang tubo, sapat na para mabitawan niya ang tubo.

Sinipa naman ni Frankie ang baril, at tumilapon din ito sa malayo.

“Pano ba yan? Mukhang mano mano na tayo dito ah!”

Sabay suntok ng lalake kay Frankie. Umilag siya. Sa pag ilag niya ay sinuntok niya naman ito sa tiyan. At siniko sa may bandang batok, natumba ang lalake at natulog na rin.

“Sweet dreams!” sabi ni Frankie sabay alis.

Sa kwartong may balcon naman nagtatago si Jessica. Unti unting bumubukas ang pinto. Nasa may balcon si Jessica nagtatago. Kahit malakas ang ulan ay naririnig niyang may pumapasok. Ang mga dahon ng puno sa malapit ay maingay pagkat malakas ang hangin. Hinigpitan pa niya ang hawak sa kanyang dalang kahoy na pamalo.

Lumalakad unti unti pa punta sa balcon si Alicia. Handa na siyang iputok ang baril sa anu mang oras. Lumakad siya, dahan dahan. Si Jessica naman, habang nagtatago ay lalong kinakabahan at nabibingi na sa lakas ng tibok ng dibdib niya.

BAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAANG. Isang malakas na kulog ang lalong nagpakaba kay Jessica.

Hindi naglaon ay tumatakbong pumasok sa kwarto si Frankie para tulungan si Jessica. Nagulat si Alicia at pinutukan agad si Frankie. Natamaan si Frankie sa tiyan. Bahagyang napahiga siya, patuloy ang pagtulo ng dugo mula sa kanyang tiyan.

“Ha! Kamusta ka naman ngayon? Gaya ng sabi ko, ang nangyayari sa inyo ay parang sa pelikula lang. Kaso nga lang, mamatay kayo. HAHAHAHAH!” sabi ni Alicia habang nakaharap sa duguan at nakahigang si Frankie.

Narinig ito ni Jessica. Kaya habang nakatalikod pa siya, tumakbo ito galing sa balcon at pinalo sa likod si Alicia. Lubhang nasaktan si Alicia pero hindi siya natumba.

“ISA KA PA!” sabi ni Alicia. Nakaharap na siya ngayon kay Jessica at nakatutok ang baril kay Jessica. “KATAPUSAN MO NANG PAKIALAMERANG BABAE KA!”

Meanwhile..

“Pag bilang ko ng tatlo, katapusan mo na!” sabi ni Ronnie. “Barilin mo man ako, babarilin ka rin ng tauhan ko. Ha. Kaya sumuko ka na!”

“Kung susuko man ako, mamatay pa rin ako. Kaya mas gugustuhin ko nalang—“

BANG.

Binaril ng tauhan ni Ronnie ang baril ni Joshua, nabitawan niya ang baril.

“At ngayon, paalam muna sayo, Joshua.”

Nang biglang nahulog ang malaking lumang Chandelier mula sa ceiling. Natamaan si Ronnie at ang tauhan niya. At nawalan sila ng malay.

“Ha? Agnes? Ikaw ba yan?” Nagtatakang tanong ni Joshua. Nang bigla niyang maalala… “SILA JESSICA!”

Tumakbo siya agad papunta sa malaking kwarto. Doon, nakita niya si Frankie, duguan, at nakahiga. Si Alicia, nakatutok ang baril kay Jessica.

“At sumama ka pa. Buti naman at ngayon, sabay sabay ko na kayong papatayin!” sabi ni Jessica. “Sawakas, matatapos na ang mga panggulo sa buhay ko! At maliligo na ako sa yaman pagkatapos ng gabing ito!”

“Mahaba haba na rin ang gabi, kaya oras na para tapusin ang kasamaan mo.” Isang tinig ang nagsalita.

“SINO YUN!?” tanong ni Alicia.

Sa kaliwa ni Alicia ang isang salamin, malaking salamin. Gaya ng mga salamin pag tinitignan mo kung ayos ang suot mo. Sapat para makita mo ang reflection ng buo mong katawan. Pag harap ni Alicia, nandun ang step sister niyang si Agnes. Ang kapatid niyang siya mismo ang pumatay.

Nanigas si Alicia sa takot. Ang mata ay nadikit sa pag tingin sa multo ni Agnes sa salamin. Ang medyo sunog na katawan ni Agnes. At ang mga mata nitong masalimuot at puno ng galit na nakatingin sa mga mata ni Alicia.

“Panahon na para pag bayaran mo ang mga kasalanan mo!” sabi ni Agnes.

Lalong nanigas si Alicia.

Maya maya pa ay may mga crack na nabuo sa salamin. Hindi nagtagal ay tumalsik ang mga bubog nito sa mukha ni Alicia. Nabitawan niya ang baril at natumba rin siya sa sahig. Malaking sugat ang dulot ng isang malaking basag ng salamin sa mukha ni Alicia.

Hindi makapaniwala si Alicia sa nangyari sa kanya. Hinawakan niya ang mukha niya, at tumingin sa palad niyang naduguan. At pagkatapos nun ay humagulhol sa sinapit ng mukha niya.

Si Jessica, Frankie, at Joshua naman ay nagulat sa nakita. Sabay rin nilang naisip na tapos na ang paghahanap ng hustisya para kay Agnes Fuentabella. Tumakbo si Jessica at Joshua patungo kay Frankie.

“Frankie, are you okay?” tanong ni Jessica.

“I’m fine Jess, wag mag alala. Konting sugat lang ito. Hehe.” Sagot ni Frankie.

“Hold on, Frankie, dadating na ang mga pulis sa isang saglit at tutulungan nila tayo.” Sabi ni Joshua.

“Oo, dude. Promise, di pa ako mamatay. Hehehe.”

“Ikaw talaga. Hehehe.”

And all three of them felt relieved. 2 minutes later, the policemen had arrived. May mga ambulansya rin.

A week passed, ayos ang lahat. Walang namatay. Si Alicia, nagkaroon ng malaking sugat sa mukha.

Si Ronnie naman, dahil sa pagbagsak ng Chandelier ay naputulan ng dalawang paa at di na kailanman makakalakad pang muli.

Si Frankie naman ay nasa ospital pa rin, pero pwede nang lumabas on that very day.

“Dude, kamusta?” tanong ni Joshua, sabay kuha ng mansanas mula sa fruit basket na dala ni Jessica.

“Eto, makakauwi na mamaya. Ang saya no, tapos na ang pag hahanap natin ng hustisya. At sa wakas, nahuli na ang tunay na may sala.” Sabi ni Frankie. “Teka, kamusta nga pala si Sir Richard Villarico?”

Hindi nagtagal ay bumukas ang pinto. Si Richard, laya na. Ngumiti ito sa tatlo, at di gaya ng dati, punong puno na ng buhay at saya ang mga mata nito.

“Hello!” bati niya.

Nag blush naman si Jessica dahil crush niya si Richard.

“Hi!” sabi ni Jessica.

“Hello!” sabi ni Joshua.

“Sir!” sabi naman ni Frankie.

“P-paano kayo nakalaya agad, Mr. Richard?” tanong ni Jessica.

“Ahmmm, dahil sa inyo. Kahit di pa nagtatagal mula ng nahuli niyo ang mga tunay na may sala, ay pinalaya na ako. Masaklap ang nangyari sa kakambal kong si Ronnie at kay Alicia, but I guess, that’s what they should get.”

“Tama. Hindi yun mangyayari sa kanila kung wala silang masamang ginawa. Kaya, I guess they deserve it.” Sabi ni Frankie.

“Anyway pumunta lang ako dito para kamustahin ka, Frankie. At magpasalamat na rin sa inyong tatlo. Sayo, Joshua, at sayo na rin, Jessica.”

Lalong namula si Jessica.

“Weleng eynumen…” sabi ni Jessica. Natawa si Richard.

“Salamat ulit sa inyong tatlo. At least ngayon, matatahimik na si Agnes. Pupuntahan ko muna siya sa sementeryo. Sige, aalis na ako.

“Teka, Mr. Richard, kararating niyo lang ah..”

“Hindi, ayos lang. I just dropped by to thank you all.”

“Ah ok po. Sir, ingat po kayo :’’>” Sabi ni Jessica.

“Sige…”

Umalis na si Richard.

Samantala, mas lalong gumanda ang mga sunod na nangyari. Si Joshua, na-promote bilang Editor in Chief. Dahil yun sa maraming attention na ibinigay ng madla sa heroic deed niya kasama si Jessica at Frankie.

Na-cover ng media ang kwento nila. May mga gumawa ng documentary tungkol dito, meron ding isinulat sila sa magazines, newspapers, libro, at iba pang porma ng media.

Kung si Richard ay na-promote, si Alicia naman ay na-expose ang talento sa mga tao. Kinuha siya ng isang lifestyle-home magazine para maging writer at consultant. Lalo rin siyang nakilala bilang isang magaling na interior designer para sa elite society.

Si Frankie rin ay kinilala ng mga social magazines at binansagan bilang Hot Hero Bachelor na nag bigay daan para mapasok niya ang mundo ng modeling at showbiz. Sumikat rin siya. At nagkaroon ng maraming TV ads.

Lahat ay naging maayos na.

Pati ang kaso laban sa mga Villarico ay mabilis na umusad. Sa tulong na rin ng media, naging high profile ang kaso at mahigpit na binantayan at tinutukan ng buong sambayanan. Na nag bunga para patawan ng habang buhay na pagkaka-kulong ang mag asawang dating icon ng business society.

At si Richard Villarico ang nag take over sa Fuentabella Group of Companies. At gaya ng gusto ni Agnes, lalong naging matagumpay ang FGC. Umani ng papuri si Richard, kasama ang buong team ng FGC.

Isang perfume line din ang ni-release, sa pangalan ni Agnes. Ito ay tinawag na Agnes: Scent of Purity sa ilalim pa rin ng FGC.

Si Joshua at si Jessica, ay naging power couple sa publishing industry. Samantalang mas dumami ang babae ni Frankie.

At lahat sila ay naging masaya. Si Agnes, kahit di na ulit nagparamdam, ay alam nilang nanahimik na sa langit at masaya.

THE END

 

0 comments:

Post a Comment







 

Gusto mo ng PINOY JOKES at mga swabeng PAMATAY NA BANAT at FUNNY PICTURES??Banat at Funny Pictures