Tipikal na teenager si Karen. Hindi naging hadlang ang kanilang kahirapan upang hindi masunod ang hilig niya sa sosyalan. Ang pagdalo sa kabi-kabilang party, imbitado man siya o hindi. Basta may mabalitaang okasyon, hindi talaga magkandatuto si Karen sa paghahanap ng damit na maisusuot.
Bantad ang ina ni Karen sa gawi ng anak. Nagsawa na nga ito sa pagpigil kay Karen at pagpa-paliwanag na hindi masama ang pagdalo sa pagtitipon o mga parties. Ang masama ay ang ginagawa nitong paraan masunod lang ang hilig ng katawan.
Sukdulang mangutang, sukdulang manghiram at sukdulang magsinungaling at gumawa ng kuwento makadalo lang sa party ay gagawin ni Karen. Kahit pa may maipahamak itong ibang tao.
Karamihan kasi sa kabarkada ni Karen ay.. can afford na tustusan ang hilig sa katawan. Can afford na bumili ng magagandang damit at sapatos. Bagay na hindi kaya ni Karen dahil mahirap lang sila.
Ang totoo, kailan lang ay tuluyan nang huminto sa pag-aaral sa highschool si Karen. Wala na kasing maitutustos pa sa kanyang pag-aaral ang mga magulang.
Limang kapatid pa ni Karen ang nag-aaral. Ang kumikita lang ay ang kanilang ama. Si Karen na panganay pa ang mahilig magbulakbol sa klase. Kaya nagdesisyon ang kanyang ama na patigilin na lang siya.
Ang pagtulong sa bahay ang iminungkahi ng ama ni Karen na gawin nito. Ngunit pag-alis ng ama upang magtrabaho ay tinatakasan nito ang ina. Naglalagalag na siya.
Isang hapon ay nadatnan si Karen ng ina na naghahalungkat sa kanilang aparador. Nagkalat sa papag ang mga damit.
“Ano’ng ginagawa mo? Ano’ng hinahanap mo d’yan ha?”
“Wala ho. Buwisit! Wala na ‘kong makitang matinong damit dito!”
“Ano’ng binubulong mo d’yan?”
“Wala ho. May pupuntahan lang ako, ‘Nay.”
“At lalayas ka na naman’? Wala ka ng ginawa kundi maglagalag! Hoy, Karen, dalaga ka na…”
“Tama na nga ho. May pupuntahan lang ako sandali.”
Hinabol ng sermon ng ina si Karen ngunit mistula itong bingi na nagtuloy pa rin ng layas.
Sa isang kaibigan nagpunta si Karen.
“Ano pa ang mapapahiram ko sa ‘yo? Nahiram mo na nga lahat ang damit ko,’ di ba? Ikaw’ tong maarte na ayaw pang nag-uulit ng damit.”
Looking problematic na talaga si Karen. Kailangan nito ng damit na maisusuot dahil JS prom kinabukasan sa school na dating pinapasukan.
“E, bakit kasi gusto mo pang mag-attend ng prom e, nag-drop ka na nga, e.”
“Asar ka d’yan! Iyon kaya ang pinakahihintay ko ‘no? Mag pumuslit ako sa gate maka-attend lang no’n. Ano ba? Kanino baako puwedeng manghiram ng damit? Kainis naman!”
“Try mo kaya kay.. .tama si Marie! Puntahan mo si Marie. May Tita “yon na nagdya-Japan, ‘di ba?”
“Hindi naman kaya magmukha akong Japayuki kung sa kanya ako hihiram ng damit?”
“0, ‘di pumili kang hindi obvious na pang-Japayuki.”
“Puwede. Halika samahan mo ‘ko.”
Si Marie ay batchmate nila sa elementary. Pero hindi masasabing close friends sila. Minsan pang kinalimutan ni Karen ang hiya at pinuntahan ang bahay ni Marie. Ngunit nasa school pa raw ito sabi ng ina ni Marie.
Kinagabihan ay muling nagbalik na mag-isa si Karen kina Marie. Nagkausap ang dalawa. Ang totoo’y nagtaka si Marie dahil hindi ito gaanong pinapansin noon ni Karen.
“Kasi may party akong pupuntahan. Kahit ipa-rent mo sa ‘kin. Sige na, Marie, please?”
“Kailanba’yon?”
“Bukas nang gabi, e.”
“Gano’n ba? Teka, wait ka lang dito lilipat ako sa kabila. D’yan nakatira ang Tita ko.”
Nabuhayan ng loob si Karen. Nangiti na. Umalis si Marie. After thirty minutes ay bumalik ito. Bitbit ang isang plastic bag na puno ng mga damit.
“Pumili ka na d’yan.”
“Wow! Ang gaganda nito. Ang bait naman ng Tita mo. Thank you talaga, Marie, ha.”
Ngumiti si Marie. Ngunit kung pagmamasdang mabuti ay maaaninaw na fake ang ngiti nito. Ang totoo, lihim na kinaiinisan ni Marie si Karen. Dahil para kay Marie, maarte si Karen at sobrang mapagpanggap at umaastang rich.
Isang makintab na bestida na kulay itim ang napili ni Karen. Para rito ay iyon ang the best sa okasyon at magmumukha siyang super sexy.
Hindi napina-rent ni Marie ang damit. Kaya halos halikan ni Karen si Marie. Mula sa bahay ni Marie, sa isang kabarkada tumuloy si Karen.
“Dito ako magbibihis bukas. Sabay na tayong pumunta sa school. Iyong ticket… okay na ba?”
“Oo. Ako pa? Malakas ‘ata ako kay Sir.”
Sa utos ni Karen, hiningi ng kaibigan sa kanilang adviser ang ticket ng isa nilang kaklase na hindi makakadalo sa prom. Iyon ang ipagagamit kay Karen. Ideya iyon ni Karen mismo.
“O, tingnan mo… ‘di ba ang ganda ng nahiram ko? ‘Di ba?”
“H-Ha? Oo.. .oo, maganda nga. Pang-Japayuki talaga.”
“Ano’ng sabi mo?”
“Wala. Basta agahan mo na lang bukas dahil magme-make-up pa tayo. Okay?”
Sumapit ang JS prom. Walang kaalam-alam ang ina ni Karen na dadalo ito kahit drop-out na sa school na pinapasukan.
Sa daan pa lang ay marami ng napapatingin kay Karen. Lalo na pagdating sa school. Titingin kay Karen ang mga ito at magbubulungan.
At nagsimula ang sayawan. Lumakad ang oras. Subalit sa buong pagtataka ni Karen, isa man ay walang nagyaya sa kanyang sumayaw. Kahit pa sinadya na niyang magpapansin at magpa-charming sa mga lalaki roon ay wala pa ring epekto. Nakaramdam na ng pagkainis si Karen.
“Kung ikaw na kaya ang magyaya?” bulong na suhestiyon ng isang barkada ni Karen, na pabulong din nitong tinanong kung bakit walang ibig na makipagsayaw sa kanya.
“Buwisit talaga! Ano bang problema ng mga inutil na lalaking ‘yan? Bakit ayaw nila akong isayaw? Mga buwisit!”
Hindi na iyon nasagot ng kaibigan dahil may nagyaya ritong magsayaw. Upang hindi lubusang mapahiya, tumayo si Karen at mag-isang tinungo ang dance floor. Saka ito walang pakundangang humataw ng sayaw kahit walang kasayaw.
Napatingin ang marami kay Karen. Bukod sa solong pagsasayaw nito, nakatatawag-pansin talaga ang kilos ni Karen. Ang paraan ng pagsayaw nito.
May ibang napapailing. Ang ilan ay natatawa. At ang iba pa ay waring naririmarim sa nakikita sa dance floor.
Hanggang matapos ang pagtitipon ay umuwing bigo si Karen. Inis na inis. Galit na galit sa mga lalaking dumalo sa party. Habang daan ay nanggigigil sa pagsasalita si Karen. Habang tahimik lang ang kasama nitong kaibigan.
“Sino ba sila sa akala nila? Ang papangit naman nila, tse!”
“Cool ka lang, friend. E, kasi naman…”
“E, kasi ano? Ano sabi!”
‘ ‘Huwag kang magagalit pero… friend, kasi kaninang nagsasayaw ka sa dance floor parang… ang weird ng itsura mo, e.”
“Anong weird? Anong weird ang pinagsasasabi mo d’yan?”
“Sa totoo lang, friend para kang kuwan…para ka talagang nagwawala. Para namang hindi ka aware sa pinaggagawa mo d’yan kanina”
Nanlaki ang mga mata ni Karen.
“Excuse me! Nagwawala? Ako nagwawala?”
“Huwag mong sabihing hindi mo alam kung paano ka sumayaw kanina? Ano ‘yon, umaarte ka lang, gano’n?”
Kumunot-noo si Karen. “Paano ba ko sumayaw? Wala naman akong…”
“Ay grabe, friend! As in grabe talaga. Para talagang nagwawala ka… as in… nilalabas mo pa nga ang dila mo, e… tapos pabuka-bukaka ka pa, imagine? Kahit sila ma’am nga napatunganga sa ‘yo, e. Lalo na noong…”
“Ano?”
“Akalain mong manghila ka ng partner at inano mo?”
“Inano ko?”
“Ang laswa, friend… ‘yung act ba na para mo siyang inaano ba…”
“Inaano nga,e!”
“Sine-seduce mo siya… ‘yon na nga.”
Napaawang ang bibig ni Karen. Hindi nito matandaan na ginawa niya ang sinasabi ng kaibigan. Nawalan na ng imik si Karen hanggang makauwi sa bahay. Magdamag na gising si Karen. Iniisip pa rin ang nangyari.
After three days ay saka lang naisauli ni Karen ang hiniram na damit. Nilabhan pa kasi niya ito.
“Nag-enjoy ka ba sa party n’ yo?”
“H-Ha? Oo.. .oo siyempre. Salamat ulit.”
Ngumisi ng patuya si Marie pagtalikod ni Karen. Sabay bulong sa isip nito.
Buti hindi ka pinagmultuhan ng may ari ng damit na ‘to? Kadiri! Paano kaya kung malalaman mo na patay na ang may-ari nito at namatay na ito mismo ang suot?
Ang damit ay hindi pag-aari ng Tita ni Marie na isang entertainer sa Japan.Pag-aari ito ng isang kaibigan nitong entertainer rin na rape sa Japan.
Hindi sinasadyang nadala ng Tita ni Marie ang ilang damit ng kaibigang namatay nang huling pag-uwi nito sa Pilipinas. Nang magbalik ito sa Japan ay iniwan na ang mga damit na iyon.
Ang totoo ay ibinilin ng Tita ni Marie na sunugin na ang mga damit na iyon. Hindi pa nga lamang ito nagagawa ni Marie. Naisip ni Marie na ang mga damit na iyon ang ipahiram kay Karen dahil inis nga ito dito.
Sa sandali ng pagsasayaw ni Karen sa dance floor, hindi malayong sumanib dito ang kaluluwa ng tunay na may-ari ng itim na damit. Na isang entertainer sa Japan at walang awang pinaslang matapos pagsamantalahan ng ilang lalaking Hapon sa Japan.
Kung malalaman nga lang iyon ni Karen siguradong maninindig ang kanyang balahibo at magdadalawang isip na siyang manghiram ng damit ng ibang tao..
Ang Wakas

 

0 comments:

Post a Comment







 

Gusto mo ng PINOY JOKES at mga swabeng PAMATAY NA BANAT at FUNNY PICTURES??Banat at Funny Pictures